CHAPTER 38

190 9 2
                                    

"THEA, kumain ka na muna," sabi ni Blaze kay Thea.


Umiling si Thea. "Wala akong gana."


"Pero ilang araw ka ng hindi kumakain. Tubig lang ang laman ng tiyan mo," sabi ni Blaze.


"Wala talaga akong gana, Blaze. Baka isuka ko rin lang kapag pilitin kong kumain."


Napabuntong hininga si Blaze saka tumabi ng upo kay Thea. Nasa likuran sila ng mansyon nila Terry. Ito na ang ikatlong araw at huling gabi ni Terry na nakaburol dahil bukas ay ihahatid na siya sa kaniyang huling hantungan. Mahigpit ang pagbabantay ng mga kasamahan ni Blaze sa trabaho.


Sumandal si Thea kay Blaze. "Ang sakit. Akala ko hindi niya ako iiwan. Nangako siya, Blaze. Pero bakit hindi niya tinupad niya ang pangako niya?" Umiiyak na saad ni Thea.


"Thea, I'm sorry," hingi ni Blaze ng tawad, "kasalanan ko. Sana hindi ko na lang siya isinama sa misyon naming 'yon."


Umiling si Thea at pinunasan ang sariling luha. "It's not your fault, Blaze. This is Alistair's fault." Kumuyom ang kamay ni Thea.


"Thea, don't worry. Aalagaan ko kayong dalawa ni Blaire."


"Thank you."


Tipid na ngumiti si Blaze.


"Si Blaire pala?" tanong ni Thea.


"Kasama ni Isabella."


Kumunot ang nuo ni Thea. "Wala ba si Jeremiah?"


"Nasa kumpanya niya pero pupunta 'yon dito mamaya."


Tumango si Thea. Tumayo siya. "Babalik na ako sa loob."


"Sige."


Napabuntong hininga si Blaze nang makaalis si Thea. Ipinikit niya ang kaniyang mata at sumandal sa kinauupuan. Nakatakas si Alistair. Sa huli nilang misyon, hindi sila nagtagumpay at namatay pa ang isa sa kanila. Nagmulat siya ng mata at nagulat siya nang makitang nasa harapan niya si Jeremiah, nakapamulsa ito at nakakunot ang nuo habang nakatingin sa kaniya. Hindi man lang niya namalayan na nasa harapan niya ito.


"Kanina ka pa ba diyan?"


Mas lalong kumunot ang nuo ni Jeremiah. "Sa ating dalawa ay ikaw ang mas matalas ang pakiramdam. How come na hindi mo ako naramdaman?" Umupo siya sa tabi ni Blaze.


Blaze sighed. "I'm just occupied."


"Obviously," sabi ni Jeremiah at sumandal rin sa upuan, "so, what's your plan now?"


"Bukas na ang libing ni Terry. Pagkatapos ng libing niya, ipagpapatuloy ko ang pagpapabagsak ko sa Dionysus Syndicate. I won't let Terry's death be in vain," seryosong saad ni Blaze.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now