CHAPTER 26

182 17 3
                                    

BLAZE AND JEREMIAH went out to explore Italy the next day. Halata ang pasa ni Jeremiah sa gilid ng labi na hindi pa natatanggal kahit nilagyan na niya ito ng gamot.

Napailing si Blaze. "I already told you to put makeup. Para matakpan ang pasa mo pero ayaw mo naman."

Tinignan ni Jeremiah ng masama si Blaze. "Hindi ako babae para mag-makeup." Aniya.

Blaze sighed. "Hindi ko naman sinabing lagyan mo ang buong mukha mo. Ang pasa mo ang sinasabi kong lagyan mo ng make up para matakpan. Baka sabihin pa ng ibang tao na sinuntok kita."

"Let alone their opinions," sabi ni Jeremiah at lumabas ng elevator.

Sumunod naman si Blaze na napapailing.

They didn't used car and they didn't even ride on a bus. Naglakad lang sila. Marami naman silang mga kasamang naglalakad. May mga pamilya at magkasintahan na kapareho nilang namamasyal. Jeremiah brought his DSLR Camera and he's busy taking pictures now.

Blaze is also enjoying the view. Nakalimutan niya ang mga inaalala niyang problema at na-relax ang isipan niya. Huminga siya ng malalim at napangiti na lang.

While they're strolling, Blaze bought present for Blaire. Wala, malapit lang ang loob niya sa batang 'yon at hindi niya alam kung bakit.

"Para kanino 'yan?" tanong ni Jeremiah nang makita ang hawak ni Blaze na paper bag.

"Blaire."

Kumunot ang nuo ni Jeremiah. "Your ex's son?"

Tumango si Blaze.

"Okay," sabi na lang ni Jeremiah.

Nagpatuloy ang dalawa sa pamamasyal. Napangiti si Jeremiah nang makarating sila sa sentro ng Italy kung saan ay may iba't-ibang show na nangyayari.

"Blaze." Itinuro niya ang dalawang tao na kasalukuyang nag-a-acrobat.

Tinignan naman ni Blaze ang itinuturo ni Jeremiah. He smiled. "They looked good."

Tumango si Jeremiah saka kinunan ito ng larawan.

Habang kumukuha siya ng larawan, biglang may bumangga sa kaniyang babae.

"I'm sorry."

Kumunot ang nuo ni Jeremiah at tinignan ang babae. "Watch your..." Napatigil si Jeremiah sa pagsasalita nang makilala ang babae. "Ms. Rossi?"

"Mr. Lim?"

Kumunot ang nuo ni Jerermiah at nag-alala siya para sa babae nang makitang namumula ang pisngi nito.

Blaze was just looking at the two.

"What happened to you?" tanong ni Jeremiah kay Ms. Rossi.

Umiling si Isabella at mabilis na lumingon sa likuran. Nanlaki ang mata niya nang makita si Paulo na hinahanap siya. "I'm sorry I bumped into you. I'll go now." Aniya.

"Wait." Hinawakan ni Jeremiah ang braso ni Ms. Rossi. Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa babae dahil sa namumula nitong pisngi. "Why your face is pale?" tanong niya rito.

Umiling si Isabella. "This is nothing."

Tumikhim si Blaze. "Let's talk there," sabi niya at itinuro ang hindi masyadong lugar.

Hinawakan ni Jeremiah ang braso ni Isabella at hinila ito sa lugar na itinuro ni Blaze.

"You look terrible," sabi ni Jeremiah kay Isabella. "Are you really okay?" tanong niya.

Tinignan niya ang hitsura ni Isabella. Maayos naman ang damit nito. Maliban lang talaga sa mukha nito na namumula at parang natatakot ito.

Nagbaba ng tingin si Isabella. Napatingin siya sa kamay ni Jeremiah na nakahawak sa kamay niya.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora