CHAPTER 11

218 22 1
                                    

NAPABUNTONG HININGA si Blaze nang makita niya si Jeremiah na nakatulog sa sofa. Nakaupo ito habang nakasandal sa sofa at nakayakap ito sa unan. Kumunot ang nuo niya at tumingin kay Noah na nakatayo sa gilid. Nakaupo naman sa dulo ng sofa si Lester.

"What happened to him? Bakit diyan sa natulog?" tanong niya. Kapapasok niya lang sa opisina ni Jeremiah.

"Good thing you're here," sabi ni Noah na mukhang nakahinga pa ng maluwang.

"What happened?" tanong ni Blaze. Tinignan niya ang dalawa nang magkatinginan ang mga ito.

"Mr. Lim took a nap earlier but he suddenly woke up and attacked me. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang patulugin siya," sabi ni Noah.

Napaawang ang labi ni Blaze. "What? You knocked him out?"

"I have no choice, Commander. Kaysa naman ang masaktan ko siya," sagot ni Noah.

Blaze looked at Lester. "Palagi bang nangyayari sa kaniya 'yon?" tanong niya.

Kumunot ang nuo ni Noah nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Blaze. Ngayon niya lang ito nakita na nag-alala. Palagi ito kalmado sa lahat ng sitwasyon. May isang beses na nasa misyon sila at tinutukan ng baril si Blaze, hindi man lang ito kumurap kahit kaharap na nito ang nguso ng baril. Pero iba ngayon dahil nakikita niyang nag-aalala ito.

Noah let out a small sighed. Could it be...

Umiling si Lester. "Minsan ko lang na nakitang ganun si Sir Jeremiah. When I ask him, he told me that it was just a nightmare."

Kumunot ang nuo ni Blaze.

"Maybe, it's a memory. He dreamt of that memory and then he woke up, he was still in that memory. Kaya ganun na lang siguro ang pag-atake niya sa akin kanina," Noah said.

Blaze sighed and walk towards Jeremiah. Iuuwi niya lang ito para makapagpahinga ito ng mabuti sa mansyon. Pero natigilan siya nang makita kung ano ang hawak ng kanang kamay nito. Jeremiah was holding his necklace again.

"Every time that Sir Jeremiah is having a bad dream, he always held that necklace." sabi ni Lester.

Blaze looked at Lester. "Ikaw na muna ang bahala rito. Kailangan ko siyang iuwi para magkapahinga."

Tumango si Lester.

Kinuha ni Blaze ang hawak ni Jeremiah na kwintas at isinuot niya rito para hindi ito mahulog. Nang maramdaman niyang mainit ang leeg nito. Sinalat niya ang nuo ni Jeremiah at naramdaman niyang mainit nga ito.

"He's having a fever. Kailangan ko na talaga siyang iuwi," sabi ni Blaze.

Kinuha niya ang kanang braso nito at inilagay sa kaniyang balikat. Inalalayan niya itong makatayo at naglakad sila palabas ng opisina.

Sumunod naman si Noah. Kinuha ni Blaze ang access card sa bulsa ng coat at ibinigay kay Noah. "Use it."

Noah swiped the card into the machine. Bumukas ang elevator at naunang pumasok si Blaze at Jeremiah sa loob. Habang nasa loob sila ng elevator, nagsalita si Noah.

"Commander, you're worried about him?"

Hindi nagsalita si Blaze.

"Ngayon na lang ulit kita nakitang nag-alala ng ganiyan," sabi ni Noah. "Commander, are you into him?"

Kumunot ang nuo ni Blaze at tumingin kay Noah. "Anong pinagsasabi mo diyan?" Tinuro niya ito. "May kasalanan ka pa. You knocked him out."

Noah raised both of his hands.

Napailing lang si Blaze at tinignan si Jeremiah. "He maybe looked hostile outside but fragile inside." Aniya.

Noah sighed. "Commander, you're now different from before. I can see that."

Fast As A Bullet (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora