CHAPTER 2

565 42 7
                                    

Five Years Later...

NAPABALIKWAS si Jeremiah dahil sa masamang panaginip. Pinagpapawisan siya at malalim ang kaniyang paghinga. Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Ilang taon na ang nakalipas, talagang kahit anong gawin niya hindi niya makalimutan ang nangyaring 'yon sa kaniya.

He looked at the clock. It's already six in the morning. Napabuga siya ng hangin saka bumaba sa kama. Naglakad siya patungo sa banyo at naligo. Habang tumatama sa kaniya ang tubig mula sa shower, napahawak siya sa pader.

Hanggang ngayon kasi walang malinaw na imbestigasyon ang mga pulis tungkol sa nangyari sa kaniya. After he told them what really happened in the accident, the police investigated but his case remains unsolved.

Jeremiah sighed.

There's no witness about the accident and there is no cctv in that place kaya walang nakakaalam kung sino ang sakay ng dalawang kotse na bumangga sa kaniya. And they left him dying inside his car.

Walang nakuhang clue ang mga pulis kung sino ang gustong pumatay sa kaniya pero siya may alam siya ngunit wala siyang matibay na ebidensiya. Matagal na siyang naghahanap ng ebidensiya laban sa taong 'yon pero wala siyang mahanap kaya naman hinayaan na lang niya.

Nang matapos maligo ni Jeremiah, lumabas siya ng banyo at nagbihis. As usual, he wore a business attire. He looked himself at the mirror at napatingin siya sa suot niyang kwintas. He smiled a little and hold his necklace. He placed it underneath his white long sleeve polo.

Kinuha niya ang cellphone at wallet niya na nakalagay sa bedside table. He picked up his car keys and stepped outside his room. Hindi na bago sa kaniya na makita ang mga katulong na abala ang mga ito sa kanilang mga gawain.

"Good morning, Sir." Bati ng mga ito.

Tumango lang naman si Jeremiah at bumaba sa hagdan. Pagdating niya sa salas, paroo't-parito ang mga maid. Naglakad siya patungo sa kusina at nakita ang mayordoma.

"Nay."

"Magandang umaga, Sir."

Tumango si Jeremiah.

"Nakahanda na ang almusal mo. Halika ka na at kumain." Sabi ni Nanay Coring. Ang mayordoma sa mansyon.

Jeremiah looked at the dining table. He sighed. "Wala po akong ganang kumain ngayon. Kayo na lang po ang kumain sa mga 'yan para hindi masayang." Aniya.

"Bakit? Nanaginip ka na naman ba ng masama?" May pag-aalalang tanong ni Nanay Coring.

Tumango si Jeremiah. "Aalis na po ako. Kayo na lang po ang bahala rito."

"Oh, sige."

Jeremiah walked out from the kitchen and went to the garage. Sumakay siya sa kotse at kaagad itong pinaandar. Minaneho niya ito patungo sa gate and a maid opened the gate for him.

Pinaharurot niya ang kotse nang makalabas siya ng compound patungo sa Lim Company. Nang makarating siya doon, he parked his car in the parking space reserved for him. He stepped out from his car and went to the entrance.

Kaagad na yumukod sa kaniya ang mga security guard nang makita siya ng mga ito. Deretso siyang naglakad patungo sa entrance. A guard opened the door for him.

Jeremiah walked towards the elevator. Mukhang hindi siya napansin ng mga empleyado niya dahil nakisakay ang mga ito sa elevator na kinasasakyan niya. Kapag alam ng mga ito na naroon siya, hindi sigurado ang mga ito sasakay sa elevator. Umatras siya at sumandal sa dingding ng elevator. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na coat.

"Sir Jeremiah is really strict." Sabi ng empleyada.

"Indeed. I was scolded by him yesterday."

"What did you do?" Tanong naman ng isang empleyada sa kapwa nito.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon