CHAPTER 21

206 22 4
                                    

"MABUTI at naisipan huwag ka na lang umalis sa grupo, Terry." Nakangising sabi ni Alistair habang umiinom ng alak.

Terry sighed. "Mahalaga sa akin ang buhay ng mag-ina ko."

Nagkibit ng balikat si Alistair saka natawa ng mahina. Tinignan niya ang mga tauhan ni Terry. "Mukhang talagang umalis na ang iba mong tauhan. Ang liit na ng natira."

"Hindi ko kailangan ng maraming tauhan, Alistair," sabi ni Terry.

Napailing si Alistair. "At mukhang wala ka pang right-hand man."

"Mabibigyan mo ba ako?" tanong ni Terry. Pasimple niyang tinignan ang mga tauhan ni Alistair. Napakarami ng mga tauhan nito at mukhang may mga bago pa.

Hinahanap ni Terry ang sinasabi ni Blaze na kasamahan nito na nakapasok sa grupo nila pero parang hindi niya yata ito makikilala. Wala namang sinabi si Blaze na pangalan ng kasamahan nito.

Terry sighed. Marami ang mga nagbabantay sa mga tauhan ni Alistair. Nasa isang beach house sila sa Tagaytay. Inimbita siya nito kaya pumunta siya at para na rin masimulan nila ni Blaze ang plano nilang dalawa.

"Pwede naman kitang bigyan. May bago akong tauhan at mahusay siya," sabi ni Alistair.

"Oh?"

Ngumisi si Alistair at may tumawag. "Noah!"

Kumunot ang nuo ni Terry at napatingin sa lalaki na lumingon sa kanila. Sinenyasan ito ni Alistair at naglakad naman ito palapit sa kanila. Mas lalong kumunot ang nuo niya nang makitang bahagya itong tumango sa kaniya.

"Terry, siya si Noah. Ang bago kong tauhan. Mahusay siya."

"Sigurado ka?" tanong ni Terry.

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Hindi naman sa wala akong tiwala sa 'yo pero baka naman pakitang gilas lang ang ipinakita niya sa 'yo," sabi ni Terry at tinignan si Noah.

Napatingin si Noah kay Terry. Hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi nito o hindi. Nagpadala sa kaniya ng mensahe si Blaze na kailangan niyang maging tauhan ni Terry para mabantayan niya ito at para magtulungan sila.

"Terry, magtiwala ka sa akin. Nasubukan ko na ang galing ni Noah. Pwede ko siyang ibigay sa 'yo kung gusto mo?"

Kumunot ang nuo ni Noah? Ano ako? Pagkain?

Terry looked at Noah. "Pero baka siya naman ang may ayaw sa akin?"

Tumingin si Alistair kay Noah. "Noah, siya si Terry Choi. Kaibigan ko siya na dati ng gustong kumalas sa grupo pero hindi ako pumayag. Kailangan ko ng tauhan na pwedeng magbantay sa kaniya at maging right-hand man niya. Do you want to be his right-hand man?"

"If he wanted me, Boss." Noah answered.

Alistair looked at Terry. "He said if you wanted."

Terry was suspicious to Noah. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Okay. Pero kapag sakit ng ulo ang ibinigay niya sa akin. Ibabalik ko siya sa 'yo."

"No problem," Alistair said.

"Okay," Terry said. Tumingin siya kay Noah. "Then you will be my right-hand man."

"Yes, Boss."

Natawa si Alistair. "It's settled then."

Tumayo si Terry. "May kailangan pa akong gawin sa restaurant ko. Oo nga pala, nakilala ko noong isang araw ang stepbrother mo. Nagpadeliver siya ng pagkain at ako ang nagdala. And he's quite bossy."

Alistair tsked. "I wanted to kill him from the very beginning."

Nagkibit ng balikat si Terry. "Well, it's your personal problem. Tawagan mo na lang ako kapag may operasyon tayo."

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now