CHAPTER 25

172 18 0
                                    

"JEREMIAH!" Mabilis na sinundan ni Blaze ang lalaking kamukha ng likod ni Jeremiah pero iba nang tignan niya ito. He looked around. Hindi niya makita si Jeremiah kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala.

Blaze looked at the smart watch. It was beeping red color. Mabilis niyang tinignan ang GPS ng cellphone ni Jeremiah. Kumunot ang nuo niya nang makitang nakalayo na ito. Sinundan niya ang GPS ni Jeremiah hanggang sa makarating siya sa isang gusali. Hindi niya alam pero mukha itong isang abandonadong gusali.

He put back his cellphone in his pocket and looked around. Walang tao sa paligid pero naririnig niya ang ingay na nagmumula sa loob ng gusali na nasa harapan niya.

Kung sinuman ang mga kumuha kay Jeremiah. Alam niyang may kinalaman rito si Alistair. Sino pa ba? Ito lang naman ang may galit kay Jeremiah at gusto nitong patayin ang huli. Pero hindi niya hahayaang mangyari 'yon. Kung may mawawala man kay Alistair at Jeremiah, dapat si Alistair ang mawala. He won't let Alistair harm Jeremiah.

Tinignan niyang muli ang paligid bago siya pumasok sa loob ng gusali only to see Jeremiah comfortably sitting on the chair while some men are surrounding him.




JEREMIAH lazily looked at the people around him. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng mga ito sa kaniya. Basta bigla na lang siyang hinila ng mga ito palayo kay Blaze kanina nang hindi ito nakatingin sa kaniya. Madaming tao sa kinaroroonan nila kanina at hindi madaling mapansin ang ginawa sa kaniya.

He was sitting at the chair. Mabuti na lang at hindi siya itinali ng mga kumuha sa kaniya. He crossed his arms over his chest. Honestly, he's not in panic. He's not nervous but he's just calm. Kung noon, matatakot siya pero ngayon ay hindi na.

"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya sa mga ito.

Alam niyang Pilipino ang mga dumukot sa kaniya. Halata naman e. Mukhang hanggang dito pa talaga ay sinundan siya. Napailing na lang siya. Alistair really wanted to kill him.

"Wala kaming kailangan sa 'yo pero ang Boss naming, mayroon."

Tumaas ang sulok ng labi ni Jeremiah. "Ang Boss niyo? Sino?" tanong niya.

"Bakit naman namin sasabihin sa 'yo?!" Sikmat sa kaniya ng isa.

Ngumisi lang si Jeremiah. "Kahit naman hindi niyo sabihin sa akin kung sino ang Boss niyo, kilala ko na. Alistair Villareal, right?" Tinignan niya ang mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito.

"Alam mo naman na pala. Bakit mo pa kami tinatanong?" Asar na sabi ng isa.

Nagkibit ng balikat si Jeremiah. "I just want to confirm it." Aniya.

Then naging tahimik na sila.

"Wala pa bang tawag si Boss?" tanong ng isa sa mga kasama nito.

"Mayroon na. Katatawag niya. Iligpit na raw natin bago pa siya mahanap ng bodyguard niya. Mahirap daw kalabanin ang isang 'yon."

"Ano pang hinihintay niyo? Tayo na. Iligpit na natin ang kalat."

Napantig ang tainga ni Jeremiah sa huling narinig. "What did you say?" Seryoso niyang tanong.

Tumingin ang mga ito sa kaniya.

"I am not a garbage." Maydiing sabi ni Jeremiah. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng lalaking nasa likuran niya at pinilipit ito.

Mabilis na itinutok ng mga kumidnap sa kaniya ang baril ng mga ito. Mabilis naman na iniharang ni Jeremiah ang katawan ng lalaking hawak niya para ito ang tamaan pero mukhang hindi naman nila kayang patayin ang kasama nila.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now