CHAPTER 12

197 22 1
                                    

PAGKATAPOS MAIHATID ni Blaze si Jeremiah sa kumpanya nito, naisipan niyang dalawin ang puntod ng kaniyang pamilya dahil matagal-tagal na rin mula ng huli niyang binisita ang mga ito. Hindi naman lalabas si Jeremiah ng kumpanya nito dahil may board meeting ito. Kung mananatili lang siya doon, baka maririndi lang ang tainga niya sa kakarinig sa mga reklamo ng mga boards at mga opinyon nila katulad nang nangyari sa huling board meeting ni Jeremiah, lalo na at wala naman siyang hilig sa negosyo. Napailing siya at bumaba sa kotse. Naglakad siya palapit sa isang flower shop para bumili ng bulaklak.

Nang makabili siya, napansin niya ang kotse na kanina pa sumusunod sa kaniya. Nakaparada lang ito sa hindi kalayuan sa kotse niya. Napabuga ng hangin si Blaze at tinanggal ang suot na shade. Kinuha niya ang eyeglass na nasa kaniyang bulsa ng suot niyang blazer at sinuot. This eyeglass is made by the tech staff of their Agency. It has the ability to scan anything.

Nakita niyang may apat na tao ang sakay ng kotse na sumusunod sa kaniya. Hawak ang bulaklak, naglakad palapit si Blaze sa kotse ng mga sumusunod sa kaniya. Nakita niyang inihanda ng mga ito ang kanilang mga baril. Tumaas lang ang sulok ni Blaze saka kinatok ang bintana ng driver seat nang makalapit siya.

Bumaba naman ang bintana ng kotse.

Ngumiti ng malamig si Blaze. "Pare, kanina ko pa napapansin na kanina pa kayo sumusunod sa akin. Payo ko lang. Itigil niyo na ang pagsunod sa akin kung ayaw niyong magaya kayo sa mga nangyari taong nangyari sa accident area. Malapit na tayo sa sementeryo, baka gusto niyong sumama pa sa akin doon," sabi niya.

"Anong sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?!" Pagalit na saad ng driver at mabilis na pinaharurot ang kotse.

Hindi napigilan ni Blaze ang matawa saka mapailing. Napahinga na lang siya ng malalim at nagtungo sa sariling kotse. Sumakay siya at pinaharurot ito patungo sa sementeryo.

Inilapag niya ang hawak na bulaklak sa puntod ng kaniyang mga magulang. Bumuntong hininga siya. "Mom. Dad. Blake. Kumusta na kayo? Pasensiya na. Ngayon lang ulit ako nakadalaw rito. Masyado kasi akong naging busy kanina at may bata akong binabantayan." He chuckled on the last words he said. Kailan pa naging bata si Jeremiah? Sometimes, parang bata talaga ito. He can see now his childish side.

"Blake, brother, did you really come back as you promised to me? Kasi nakikita kita kay Jeremiah. Nagiging kaugali ka na niya. At may mga kilos siyang katulad ng mga kilos mo," Blaze said. "Or is it just me? O dahil lang 'to sa pangungulilala ko sa inyo?"

Biglang humangin ng malakas. Blaze closed his eyes and feel the cold breeze that is embracing him right now. Pakiramdam niya ay ang mga magulang ang nakayakap sa kaniya. Lalo na ang kapatid niya na sobrang malapit sa kaniya. 

Kumuyom ang kamay niya nang maalala kung paano namatay ang mga ito. Hindi man niya nasaksihan ang nangyari pero ramdam niya ang hirap ng kaniyang pamilya sa araw na 'yon. Nadamay lamang ang kaniyang pamilya sa barilan sa isang Chinese Restaurant nang pagbabarilin ng mga kalalakihan ang restaurant na 'yon.

Huminga ng malalim si Blaze at tumayo saka nagpaalam sa mga ito bago siya umalis.

Nang makabalik siya sa kumpanya ni Jeremiah, hindi pa tapos ang board meeting nito kaya naman tumayo siya sa labas ng conference room.




JEREMIAH closed his eyes and leaned on his seat when the board meeting was done. Napabuga siya ng hangin at hinilot ang leeg. Nagmulat siya ng mata.

"Lester."

"Sir?"

"Nakabalik na ba si Blaze?" tanong niya.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now