CHAPTER 13

193 24 1
                                    

THEA sighed when she saw Blaire playing with her laptop. Hinayaan na lang niya si Blaire na maglaro. Narinig niyang may bumukas ang gate ng bahay nila. Tumayo siya at tumingin sa bintana. Nakita niyang may mga kotseng pumasok sa loob ng compound nila. Kumunot ang nuo niya nang makilala kung sino ang bumaba sa kotse.

Alistair Villareal?

Nagtaka si Thea. Kaibigan ito ni Terry. Ano naman kaya ang ginagawa nito sa bahay nila? Minsan talaga nakakaramdam siya ng takot sa kaibigan nito. Hindi niya alam kung bakit. Kaya kapag nandito ang kaibigan ni Terry na si Alistair, hindi na siya lumalabas ng kwarto at sinasamahan na lang niya ang anak niya dito sa loob ng kwarto.

"Mommy?"

"Hmm?"

"Kaibigan niyo po ba si Tito Blaze?" tanong ni Blaire.

Natigilan si Thea pero ngumiti siya. "Oo, anak. Kaibigan ko siya."

"But I never heard of him that you mentioned him to me," Blaire said and stopped playing on her laptop.

Thea let out a small sigh. "Kasi, anak, hindi ba doon tayo sa ibang bansa tumira at ngayon lang tayo umuwi dito sa Pilipinas."

Napatango si Blaire. "Oo nga po, Mommy," sabi niya at humiga sa kama.

Nakahinga naman ng maluwang si Thea nang hindi na nagtanong ang anak niya tungkol kay Blaze at natulog na ito. Tumabi naman ng higa si Thea sa anak at hinaplos ang buhok nito para madali itong makatulog. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya.

Nagising na lang si Thea nang maramdaman niyang lumubog ang tabi niya at naramdaman niyang niyakap siya ni Terry.

"Umalis na siya?"

Tumango si Terry. "Pumunta lang siya dito para kausapin ako."

Thea sighed. "Talagang natatakot ako sa kaniya kaya hindi na ako lumabas."

"It's okay," Terry said. 

Muling ipinikit ni Thea ang mata saka malalim na napabuntong hininga. "Blaire saw Blaze earlier."

"And?" Terry asked.

Umiling si Thea. "Mukhang wala naman siyang napansin."

"Bakit kasi ayaw mong sabihin sa kaniya ang totoo? Okay lang naman sa akin." Sabi ni Terry.

Thea just sighed. "Huwag muna ngayon."

Napatango na lang si Terry at inayos ang kumot. "Matulog na tayo. Good night."

"Night." Thea replied.

Pero nakalipas ang isang oras, hindi pa rin makatulog si Terry. Mahimbing na ang tulog ng mag-ina niya habang siya, hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang sinabi sa kaniya kanina ni Alistair.

"Terry, I know you don't want to do illegal anymore. But you should remember that you have a wife and a son. Hindi mo ba iniisip ang magiging buhay nila kung sakali, lalo na ang anak mo."

"Alistair, I already made up my mind. Gusto ko ng umalis sa Dionysus Syndicate. I want to give my wife and my son a happy and normal life," h said.

"Terry, alam mo kung ano ang mangyayari sa 'yo oras na kumalas ka sa grupo natin," seryosong sabi ni Alistair.

"Alam ko."

Terry sighed and tighten his hugged to his wife. 

Before he married Thea, he's already a part of Dionysus Syndicate. Mahal niya ang asawa niya kaya hindi niya sinabi rito ang tungkol sa kinabibilangan niyang grupo. Ayaw niyang magalit ito sa kaniya at iwan siya nito.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon