CHAPTER 40

321 9 6
                                    

BLAZE sighed while looking at Blaire. Nakatulog na ito. Hinalikan niya ang nuo ang anak niya saka siya bumangon. Inayos niya ang kumot ni Blaire. Pinatay niya ang ilaw saka siya lumabas ng kwarto nito. Natigilan siya nang makita si Thea sa labas ng kwarto ni Blaire.


"Tulog na si Blaire." Aniya.


"Alam ko," sabi ni Thea. She sighed. "Kailan ka ulit dadalaw dito?" tanong niya.


Umiling si Blaze. "Hindi ko alam, Thea."


"Blaire will surely miss you," sabi ni Thea.


Ngumiti si Blaze. "Siya lang ba?"


"Ah?" Nagtaka si Thea.


Umiling si Blaze. "Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakadalaw dito. Hindi ko nga alam kung makakabalik pa ako ng buhay sa inyo ni Blaire. Masyadong delikado ang misyon ko, Thea. So, whatever will happen, you must take care of Blaire."


Tumango si Thea. "You have to be careful."


"I will. Alis na ako."


Tumango lang si Thea.


Ngumiti si Blaze saka naglakad paalis. Nang makalabas siya ng bahay nila Thea, kaagad siyang sumakay sa kotse at minaneho ito palabas ng compound. Pinaharurot niya ang kotse pauwi sa sarili niyang bahay para magpahinga dahil alam niyang wala na siyang magiging pahinga sa mga susunod na araw.


Nang makarating siya sa bahay niya, dumeretso siya sa kwarto niya. Natigilan siya nang makita ang attache case na nasa gilid ng kama niya. Kumunot ang nuo niya nang maalalang ibinigay ito sa kaniya ni Terry. He got curious what's inside the attache case. Kinuha niya ito at inilapag sa kama.


Sabi ni Terry alam daw niya kung anong password. Natawa siya saka napailing. Ano naman kaya ang password ng attache case na 'to? At hindi naman siguro ibibigay sa kaniya ni Terry ang attache case na 'to kung hindi mahalaga ang laman nito. Napabuga siya ng hangin.


"I know the password but what is the password?" tanong niya sa kaniyang sarili.


Blaze sighed. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Thea.


"Blaze."


"Terry gave me a attache case when he confessed to me that he is part of Dionysus Syndicate. Thea, alam mo ba kung ano ang password ng attache case na 'to?" tanong niya.


"Hmm... no?" patanong na sagot ni Thea. "Hindi ko alam kung ano ang attache case na 'yan. Marami kasing attache case si Terry na nakatago at hindi ko alam kung ano ang laman ng mga 'yon. Siya lang ang nakakaalam sa password dahil hindi ko naman pinapakialaman ang mga 'yon."


"Oh. Okay. I will just guess. Good night, Thea."


Thea yawned. "Good night." And the call ended.


Tinignan ni Blaze ang attache case, he tried Thea's birthday but it didn't opened. Kumunot ang nuo niya. Ano ba ang password ng attache case na 'to? Natigilan si Blaze nang may ma realize siya. 

Fast As A Bullet (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz