CHAPTER 16

183 22 0
                                    

NAGTAKA si Thea nang makita na naman ang kotse ni Alistair kasama ang mga kapatid nito na lumabas ng bahay nila. Kararating niya lang galing sa trabaho niya at kapaparada niya ng kotse sa garahe nang makita niya ang mga itong lumabas ng bahay nila.

Wala sanang balak kausapin ni Thea si Alistair pero nakita siya nito at sinenyasan siya nitong lumapit. Napabuntong hininga si Thea at naglakad palapit kay Alistair.

"Thea."

Tumango si Thea. "Anong sasabihin mo?"

"Wala ka bang alam sa ginagawa ng asawa mo?" tanong ni Alistair sa kaniya.

Kumunot ang nuo ni Thea. "Anong ibig mong sabihin?" tanong din niya kay Alistair.

Ngumiti si Alistair. "Mukhang hindi nga nagsisinungaling si Terry. Wala kang alam sa iba niyang ginagawa. Alam mo ba na..."

"Alistair, huwag mong idamay ang asawa ko. Please," sabi ni Terry na kakalabas lang ng bahay.

Kumunot ang nuo ni Thea.

Humarap si Alistair kay Terry at ngumiti. "Kung ayaw mong madamay ang asawa at anak mo. Sundin mo ang sinabi ko o may masamang mangyari sa kanila." Banta niya bago naglakad paalis.

Sumunod naman ang mga tauhan niya.  Sumakay siya sa kotse at lumabas sila ng compound nila Terry.

Terry sighed.

"Terry, anong sinasabi ni Alistair?" tanong ni Thea sa asawa niya.

"Ahmm...wala 'yon. May hindi lang kami pagkakaintindihan. Huwag mo ng isipin 'yon," sabi ni Terry. "Halika ka na at pumasok na tayo sa loob." Hinawakan niya ang kamay ni Thea at masuyo itong hinila papasok sa loob ng bahay.

Napabuga ng hangin si Thea. "Terry, hindi ako pinanganak kahapon,"abi niya nang makapasok sila sa loob ng bahay. "Saan pala si Blaire?"

"Nasa kwarto niya at natutulog."

Tumango si Thea. "Anong sinasabi kanina ni Alistair na may iba kang ginagawa?"

Terry just sighed and sat down on the sofa. Hindi niya sinagot ang tanong ng asawa.

"Terry," tumabi ng upo si Thea sa asawa, "we're husband and wife. Hindi ba pinangako natin sa isa't-isa na wala tayong sikreto. Dapat sinasabi natin ang mga problema natin sa isa't-isa."

Humugot ng malalim na hininga si Terry at tumingin kay Thea. "Alistair doesn't want me to quit from the group."

Kumunot ang nuo ni Thea. "Anong grupo?" tanong niya.

Terry sighed. "Thea, I'm so sorry kung tinago ko sa 'yo ang totoo pero kasapi ako ng isang sindikato at si Alistair ang Leader ng grupo."

Nanlaki ang mata ni Thea. "Ano? S-sindikato?"

Nagbaba ng tingin si Terry dahil hindi niya kayang tignan ang mata ng asawa. Tumango siya. "Bago tayo kinasal, kasapi na ako ng grupong 'yon. Pero huwag kang mag-alala, wala akong ginamit na pera sa inyo ni Blaire na galing ng sindikatong 'yon. Sa restaurant, malinis na pera ang nagamit sa pagpapatayo doon."

Umiling si Thea. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'to sa akin?"

"I'm sorry. I'm sorry. Natakot kasi ako na baka kapag nalaman mo ang totoo, iwan mo ako. Thea, mahal na mahal kita, I don't want to lose you." Terry hugged his wife.

Ilang sandali na namayani sa kanila ang katahimikan hanggang sa basagin ito ni Thea. "Hindi ka nagtiwala sa akin? Mahal kita, Terry. Akala ko, alam ko na ang lahat tungkol sa 'yo pero hindi pa pala." Aniya.

"I'm sorry. I'm sorry."

Thea sighed. "What Alistair wants you to do?" she asked.

"Gusto ko ng umalis pero hindi siya pumayag. May masamang mangyari sa inyo ng anak natin kapag kumalas ako sa grupo," sabi ni Terry. 

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now