CHAPTER 9

215 23 2
                                    

"I'M NOT GOING TO EAT LUNCH." Sabi ni Jeremiah habang abala sa mga pinepermahang dokumento. Kailangan na ito para sa launching ng bagong project ng kumpanya. Hindi naman pwedeng ipagpaliban kaya kailangan niya itong tapusin ng maaga ngayon dahil may interview siya mamayang hapon sa mga pulis.

They will interview him regarding of Mr. Ronald Non who was assassinated they day they met. Siya ang huling nakasama nito kaya kailangan siyang tanungin ng mga pulis.

Napabuga siya ng hangin. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyari tapos siya ngayon ang sinisisi ng pamilya nito. Ano naman ang kinalaman niya sa pagkamatay ni Mr. Non. Napailing siya at nagpatuloy sa pagperma. Hindi niya namalayan na lumabas si Blaze sa opisina niya.

Bago umalis si Blaze para lumabas, nilapitan niya muna ang sekretaryo ni Jeremiah para magbilin.

"Lester, call this number if someone will come here." Aniya at inilapag ang calling card sa mesa ni Lester.

Kumunot ang nuo ni Lester. "Sino?"

"Anyone." Blaze said. "Bibilhan ko lang ng pagkain ang Boss mo. Kaninang umaga pa 'yan hindi kumakain." Aniya.

"Okay." Tugon ni Lester.

Tumango si Blaze saka naglakad patungo sa exclusive elevator. Ginamit niya ang access card para magamit niya ang elevator.  When he entered the elevator, tinignan niya ang mga cctv footage sa mansyon nila Jeremiah. Wala naman siyang nakitang kaduda-duda kaya ibinalik niya ang cellphone sa bulsa.

Nang bumukas ang elevator, mabilis siyang lumabas at nagtungo sa pinakamalapit na restaurant. He can cook but he has no time to do it. Saka na lang siguro. Pumasok siya sa isang Chinese Restaurant at bumili ng pagkain para kay Jeremiah. Baka siya pa ang sisihin ng lolo nito kapag may masamang nangyari rito.

"Blaze?"

Napatingin si Blaze sa babaeng tumawag sa pangalan niya. "Thea?"

Ngumiti si Thea. "Ikaw nga. Akala ko kung sino na, ikaw lang pala. Kailan ka pa pumasok dito? Hindi ba ayaw mong pumasok rito kasi naaalala mo ang nangyari sa pamilya mo."

Natigilan si Blaze. He uncomfortably smiled. Nakalimutan niya ang tungkol doon. Ang tanging nasa isipan niya lang kasi ay bilhan ng pagkain si Jeremiah. "It's better to face the past." Sabi na lang niya.

Napatingin si Thea sa hawak ni Blaze na paper bag. "For your girlfriend?"

Natawa si Blaze. Itinaas niya ang hawak na paper bag. "Girlfriend? Wala akong girlfriend. Para 'to kay Jeremiah." Sabi niya.

Kumunot ang nuo ni Thea. "Jeremiah?" Nagtataka niyang saad. "Is he..."

"Stop. Stop. Stop." Sabi ni Blaze. "It's not what you think."

"Oh." Ngumiti si Thea. "I thought... Sorry."

Napailing si Blaze. "Mauuna na ako."

Tumango si Thea.

"Thea."

Napatigil sa pag-alis si Blaze nang marinig ang boses ng isang lalaki na tumawag kay Thea. Napatingin siya rito.

"Blaze, this is my husband, Terry. Siya ang may-ari ng restaurant na 'to." Pakilala ni Thea sa asawa nito.

Tumango si Blaze. "Nice to meet you." Kinamayan niya ang lalaki.

"Nice to meet you too. Madaming nakukwento si Thea tungkol sa 'yo." Sabi ni Terry.

"Ganun ba?" Blaze awkwardly. "I'll leave first."

Tumango si Terry.

Mabilis na naglakad palabas ng restaurant si Blaze.

Inakbayan naman ni Terry ang asawa. "Wala ka ba talagang balak sabihin sa kaniya?"

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now