CHAPTER 35

175 9 0
                                    

KUMUNOT ang nuo ni Thea nang makita si Jeremiah na parang may hinahanap sa living room. At mukhang hindi siya nito napansin kaya tumikhim siya. Napatingin sa kaniya ang lalaki.

"Looking for something?" she asked.

Tumango si Jeremiah. "My necklace. Kanina pa nawawala. Hindi ko alam kung saan ko nahulog." Aniya.

"Let me help you," sabi ni Thea. "Ano bang hitsura ng kwintas mo?" tanong niya at nagsimula na ring maghanap.

"It has a gold chain with compass pendant," sagot ni Jeremiah.

Tumango si Thea. Tinanggal niya ang unan sa sofa at kumunot ang nuo niya nang makita ang isang kwintas. The necklace has a gold chain with compass pendant. Pamilyar sa kaniya ang kwintas, nakita na niya ito dati pa at hindi siya maaaring magkamali. Kinuha niya ang kwintas ang tinignan ang likuran ng pendant compass nito. Nakita niya doon ang BMorales na naka-engraved. Nakilala niya ang kwintas dahil nakita na niya ito dati na suot ni Blaze. Tumingin siya kay Jeremiah.

"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong niya kay Jeremiah.

Mabilis naman na tumingin si Jeremiah kay Thea at nakita niyang hawak nito ang kwintas na hinahanap niya. Kinuha niya ito. "Thanks."

Ngumiti si Thea. "Mukhang mahalaga ka talaga kay Blaze dahil ibinigay niya sa 'yo ang kwintas niya."

"What?" Jeremiah stilled. "What did you say?" Gulat niyang tanong. "Kay Blaze ang kwintas na 'to? Sigurado ka?"

"Oo naman," sabi ni Thea. "Nakita ko na 'yang dating suot niya. Hindi lang isang beses kundi maraming beses. 'Yan ang natirang alaala niya sa kapatid niyang si Blake. Look at the back of the pendant. May naka-engraved diyan."

Mabilis na tinignan ni Jeremiah ang likod ng pendant na compass. Nabasa niyang naka-engraved doon ang BMorales. Bakit ngayon niya lang ito nakita? Matagal na sa kaniya ang kwintas na 'to. He looked at Thea. "Thank you." Aniya saka nagmamadaling lumabas ng mansyon.

Kumunot naman ang nuo ni Thea at sinundan ng tingin si Jeremiah.

Mabilis na nagtungo si Jeremiah sa kinaroroonan ni Blaze. Nasa batuhan ito at nakaupo sa malapad na bato habang nakatingin sa papalubog na araw. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan nito habang nakatingin sa kwintas na hawak niya. Nakita na ito dati ni Blaze pero bakit hindi man lang nito sinabi na ito pala ang nagligtas sa kaniya sa aksidente five years ago?

Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Blaze..." Mahina niyang tawag sa pangalan nito.

Lumingon si Jeremiah sa kaniya.

Nagbaba siya ng tingin at hindi alam kung paano siya magsasalita.

"Jer?"

Napakurap si Jeremiah at naglakad palapit kay Blaze. Umupo siya sa tabi nito.

"May sasabihin ka ba?" tanong ni Blaze kay Jeremiah.

Tumango si Jeremiah at huminga ng malalim. Kinuha niya ang kamay ni Blaze at inilagay doon ang kwintas. "I'm giving it back to you."

Natigilan si Blaze nang makita ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Jeremiah. Tinignan niya ang lalaki.

"I already know everything," sabi ni Jeremiah. "Ikaw ang nagligtas sa akin sa aksidente five years ago, right?"

Ngumiti si Blaze. "Alam mo na pala ang lahat? How did you know that I am the owner of the necklace?"

"Thea saw it and she told me that she saw it you wore it many times," Jeremiah said.

Blaze looked at the necklace. "She's right. I always wore it every day before pero nawala ko 'to noon. Hindi ko na sinabi na sa akin 'to nang makita ko itong nasa 'yo."

Fast As A Bullet (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt