CHAPTER 8

256 23 2
                                    

AFTER BLAZE stepped out from the car, he received a mission from his director. He sighed. Napailing na lang siya. Hindi pa ba dumating si Storm, Noah at Rafael mula sa misyon ng mga ito at sa kaniyang ibinigay ang misyon.

He put his earpiece and contacted Gabriel.

"Commander." Gabriel received him from the other line.

"Give me the location of the target." Aniya.

"On it, Sir."

Blaze heard a beep so he looked at his phone. Kumunot ang nuo niya nang mabasa ang pangalan ng restaurant. "Isn't this restaurant open from ten oclock morning to eight oclock in the evening?" Nagtataka niyang saad.

"Yes, Commander. I can see that the place where you can perfectly assassinate him," Gabriel said.

"Okay." Tugon niya. Tinignan niya ang oras sa suot na wrist watch. It's just eight in the morning. Isinuot niya ang shades na hawak at naglakad patungo sa exclusive elevator. Nakita niyang dumaan kanina sa entrance si Jeremiah at hindi ito sumakay sa exclusive elevator.

Hindi napigilan ni Blaze ang sarili na matawa ng mahina. Jeremiah looked hostile outside but he can see that Jeremiah has a care to his employees. Minsan nga nakita niya itong personal na kinakausap ang maintenance staff para ayusin ang mga dapat ayusin sa loob ng building para walang madisgrasya.

Napailing si Blaze. He swiped the access card into the machine. Bumukas ang elevator, pumasok siya sa loob. Nang makarating siya sa floor kung nasaan ang opisina ni Jeremiah, naabutan niyang abala si Jeremiah sa likod ng mesa nito. Tahimik lang siyang tumayo sa tabi ng glass wall at tumingin sa labas.

Naalala niya ang batang anak ni Thea. Obviously, Thea is married. May anak na, eh. Hindi naman niya inaasahan na magkabalikan sila. At isa pa, wala na siyang nararamdaman para rito. Limang taon na ang nakalipas, he already moved on. Pero sana pwede pa rin silang maging magkaibigan. After all, before they became a couple, magkaibigan na talaga sila.

Mabilis na sinalo ni Blaze ang naramdaman niyang bagay na paparating sa kaniya. Nang masalo niya ito, tinignan niya ito. It's an apple. He looked at Jeremiah.

"What?" Blaze asked.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kanina pa kita tinatawag, hindi ka man lang namamansin," sabi ni Jeremiah.

"Sorry. May iniisip lang ako. Ano ba 'yon?"

"I have a lunch meeting later. But don't show as my bodyguard. You can come with me as my partner." Ani Jeremiah.

"Partner?" Kumunot ang nuo ni Blaze.

Jeremiah sighed. "Business partner."

"Oh." Napatango si Blaze. "I won't go with you but I will still protect you. Don't worry you will be safe."

Si Jeremiah naman ang kumunot ang nuo. "Where are you going?"

Ngumiti lang si Blaze at hindi sinagot ang tanong ni Jeremiah. "You can go to your lunch meeting."

"May iba ka pa bang gagawin maliban sa pagbabantay sa akin?" tanong ni Jeremiah.

Blaze removed his shades and place down the apple at the sofa. "My job is to protect you. Bakit may iba pa ba akong dapat gawin maliban sa pagpoprotekta sa 'yo?"

Nagkibit ng balikat si Jeremiah. "Hindi ko alam. It seems that you are not just an ordinary bodyguard."

Tumaas ang sulok ng labi ni Blaze. "Did you investigate me?"

"I did." Pag-amin ni Jeremiah.

"Oh." Ngumisi si Blaze. "What did you find out about me?"

Ibinagsak ni Jeremiah ang hawak na folder sa mesa. "Confidential. Everything is confidential about you."

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now