CHAPTER 37

188 11 3
                                    

"DON'T move." Mas lalong itinutok ni Blaze ang hawak na baril sa ulo ni Alistair. 

Ngumisi si Alistair. "I guess, I already know who are you," sabi niya, "no other than Blaze Morales."

Tumaas ang sulok ng labi ni Blaze. "It's a good thing that you already know who I am then I won't bother anymore to introduce myself to you." Tinanggal niya ang suot na sumbrero.

Alistair laughed. "Blaze, my hide out is heavily guarded. Alam kong alam mo ang tungkol doon."

"Yeah, I know." Tumango si Blaze. "Pero kahit naman sobrang higpit ng pagbabantay ang mga tauhan mo at kokonti lang kami na nandito, kaya pa rin namin kayong lahat."

"Really?" Alistair laughed.

Ngumisi si Blaze. Sumenyas siya. Bigla na lang natumba ang isang tauhan ni Alistair. Mabilis na napatingin doon si Alistair. Natigilan siya.

"Now you know. Bukod sa amin na kaharap mo ngayon, may mga kasama pa kaming hindi mo nakita kanina." Aniya.

Kumuyom ang kamay ni Alistair at tumingin kay Terry. "This is your all fault."

"Not his fault," sabad ni Blaze, "kung sa una pa lang sana hindi mo siya pinilit na bumalik sa grupo niya, sana hindi mangyayari sa inyo 'to ngayon." Tinignan niya ang mga tauhan ni Alistair na nakatutok sa kanila ang baril ng mga ito. "Don't try to shoot. Mas mabilis na gumalaw ko kaysa sa inyo. Baka patay na ang amo niyo bago niyo ako mapatay."

"Don't shoot," sabi ni Alistair.

"Alistair, do you know why I badly wanted to catch you?" tanong ni Blaze.

Umiling si Alistair. "No. But isn't it because of my syndicate?"

"That's just part of the reason." sabi ni Blaze. Nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha at mas lalong itinutok pa ang nguso ng baril sa gilid ng nuo ni Alistair. "It's because of my family. Your father killed my family."

"Kasalanan 'yon ng ama ko. Hindi ako ang pumatay sa pamilya mo," sabi ni Alistair.

"I know," Blaze said, "unfortunately, ikaw na lang ang natira sa inyong mag-ama. I planned to kill you but my Director said that you should be put in jail."

Ngumisi si Alistair. "If you have the ability."

Tumaas ang sulok ng labi ni Blaze. "Of course, I have." Tumingin siya kay Terry. "Umalis na kayo ng mga tauhan mo."

"Paano kayo?" tanong ni Terry.

"Don't worry about us. We are not going to die here," sabi ni Blaze.

Tumango si Terry. Tumayo siya at tinignan si Alistair. He sighed. "You asked for this."

Mas lalo lang na kumuyom ang kamay ni Alistair. Hindi niya mapapatawad si Terry sa pagtataksil nito sa Dionysus Syndicate. "Kill them!" sigaw niya. Mabilis niyang inilag ang ulo para makatakas sa baril ni Blaze. Tumakbo siya palayo rito at kaagad naman siyang prinotektahan ng mga tauhan niya.

Nanlaki ang mata ni Blaze. Mabilis niyang hinawakan ang rifle na nasa katawan niya at binaril ang mga tauhan ni Alistair na babaril sa grupo nila Terry. Sunod-sunod naman na may natutumba sa mga tauhan ni Alistair na nasa itaas. Malamang si Rafael ang gumagawa no'n kasama si Gabriel.

"Noah! Storm! Protect Terry!"

"Yes, Commander!"

Mabilis na nagtago si Blaze sa pader dahil siya ang pinatatamaan ng mga tauhan ni Alistair habang ang kasamahan ng mga ito ay sa grupo ni Terry nakikipaglaban. Kumunot ang nuo ni Blaze nang makitang may hawak si Terry na baril. Napailing siya nang maalalang kasapi si Terry ng Dionysus Syndicate.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now