EPILOGUE

712 25 9
                                    

"IS he not awake yet?"

Jeremiah heard a voice.

"No. Dalawang linggo na siyang walang malay. Hindi ko nga rin alam kung successful ba ang operasyon sa mata niya?"

Kilala niya ang boses na 'yon. Isabella.

Napansin ni Thea ang paggalaw ng daliri ni Jeremiah. "His fingers move," sabi niya kay Isabella.

Mabilis na napatingin si Isabella kay Jeremiah. "Jer, are you awake?"

Muling gumalaw ang daliri ni Jeremiah.

Jeremiah wanted to open his eyes. Pero hindi niya maimulat ang mata niya. Parang may nakalagay rin rito na hindi niya alam.

"I-isabella..."

"I'm here. I'm here."

Naramdaman na lang ni Jeremiah na may humawak sa kamay niya.

"Tatawagin ko lang ang doctor," sabi ni Thea. Nagmamadali siyang lumabas ng private ward na kinaroroonan ni Jeremiah para tawagin ang doctor.

"Isabella, bakit hindi mo maimulat ang mata ko?" tanong ni Jeremiah. "I wanted to see you."

"May benda ang mata mo, Jer. Katatapos lang noong nakaraang araw ang operasyon ng mata mo," sabi ni Isabella.

"What happened?"

"Hindi mo maalala ang nangyari?" tanong ni Isabella.

Huminga ng malalim si Jeremiah. Inalala niya ang nangyari at doon lang pumasok sa kaniyang isipan pagkalipas ng ilang segundo ang nangyari. Nasugatan siya ng patalim na hawak ni Alistair. Natamaan ang mata niya.

"Wait. Sinabi mo kanina na katatapos lang ng operasyon ng mata ko?"

Isabella sighed. "Jer..."

"I'm glad you're awake, Mr. Lim," sabi ng doctor na kapapasok lang sa ward ni Jeremiah.

"Doc..."

"All right, Mr. Lim. Relaxed yourself. I'll check you first before we removed your bandage," anang doktor.

Tumango si Jeremiah.

After the doctor checked Jeremiah, "your body is fine now, Mr. Lim. Though hindi pa naghilom ang sugat mo pero after few weeks of recovering, magiging okay ka na din."

"Thank you, doc."

"Now let's remove your eye bandage."

The doctor removed Jeremiah's eyes bandage. Nang matanggal niya ito, "slowly, open your eyes."

Unti-unting iminulat ni Jeremiah ang mata niya. "Doc, malabo ang paningin ko."

"It's okay. Close your eyes and open it again."

Sinunod ni Jeremiah ang sinabi ng doctor. Ipinikit niya ang kaniyang mata saka siya dahan-dahang nagmulat. Napakurap siya. He saw Isabella and Thea, but her eyes were focused to Isabella. Ngumiti siya. "Hi."

Ngumiti si Isabella.

"The eyes were compatible to you. You were be able to recover in just few weeks. Alagaan mo ang mata mo dahil 'yan ang ibinigay na panglawang pagkakataon sa 'yo," sabi ng doctor.

Tumango si Jeremiah. "Thank you, Doc."

"Sige. May aasikasuhin pa akong ibang pasyente. Magpagaling ka."

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now