Pleasure 2

6.5K 87 4
                                    

"Stop staring at me like that,"

Kaagad na bumalik ako sa huwisto habang tinitingnan ang lalaking ngayon ko lang nakitang muli.

He grown so much, ang lalaking noon ay gusgusin at laging naka tambay dito sa aming hacienda ay lumaki na. ang dating kaaway ko lang dahil ayaw niya akong isama sa kanyang laro dahil hindi daw iyon pang lalaki ay muli ko ng kaharap ngayon. Nakakapanigo, pero aaminin ko, I missed him.

Ang kanyang magkabilang kamay ay nakapa-loob sa kanyang bulsa habang may multo ng ngiti sa kanyang labi.

Madaming nagbago sa kanya, biglaan ang kanyang paglaki, lumaki rin ang kanyang pangangatawan. Malinis at mababa ang kanyang buhok, may kaputian narin siya. Pati ang kanyang pananamit ay nagbago narin.

Ngunit ang hindi nabago sa kanya ay ang mukha niyang maamo, hindi nakakatakot ang kanyang itsura.

"I said stop staring at me like that."

He looks so soft.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin at inayos ang takas ng aking buhok.

That was so awkward.

"Akala ko aatakihin mo ako ng yakap kanina," wika nito habang tinatakpan ko ang aking mukha gamit ang aking buhok.

"Hey," muling tawag niya sa akin.

Bakit ba kasi bigla-bigla siyang sumusulpot matapos ang mahabang panahon?

It's been almost seven years since the last I saw him, and now he's here.

Hindi naman sa naiinis ako sa pagbabalik niya, natutuwa nga ako dahil narito siya para sa kaarawan ko bukas,

"Yakapin mo na ako, I miss you so much, Andra" muling saad ni Gino sa akin.

Narinig ko ang yapak niyang palapit sa akin.

Kaagad akong ginapangan ng kaba habang nararamdaman ang presensya niyang palapit sa akin.

Naramdaman ko ang mainit na dibdib na unti-unting binabalot ang aking katawan. Ang kanyang mahabang bisig ay yumapos mula sa akin harap mula sa likod.

Naging bato ang aking katawan dahil hindi ako makagalaw sa higpit ng kanyang yakap.

Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na yakapin ako.

"Hindi mo ba ako namiss?" muli niyang tanong sa akin.

Hinanap ko ang kanyang mukha upang tingnan kung seryoso ba siya.

Nakita kong muli palabiro niyang ngiti kayat napasimangot ako.

"Bakit kasi ngayon ka lang dumating, tapos tingnan mo ang sarili mo ngayon, ang laki mo na," pagsusungit ko sa kanya.

Sa ilang saglit pa ay kumalas na ito mula pagkakayakap sa akin.

Hindi natanggal ang tingin ko sa kanyang mukha. Nagbago ang timpla ng kanyang ekspresyon matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

Umiwas ito ng tingin na tila napakalayo ang tinitingnan. Humugot pa siya ng hininga at kaagad itong bumuga. Tila may kung anong bumabagabag sa kanya na pilit niyang iniiwasan.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na punong puno ng poot ngayon.

May mali ba akong nasabi?

Guilt suddenly spread in me. Kaagad akong tumayo habang may pait na nararamdaman patungo sa kanya.

"May mali ba akong nasabi?" mahinahon ang aking boses.

Ilang saglit pa siyang tumingin sa malayo bago siya bumuntong hininga muli at humarap sa akin.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now