Pleasure 38

1.7K 45 4
                                    

Sasarado na sana ang elevator ngunit tinigil ko iyon at pumasok. Nakakapit sa pader ng elevator si Arthuro habang nakayuko, hindi niya nakita ang pagdalo ko sa kanya.

I can see his face, he looked so red and very drunk. Hindi siya pumunta sa malaking event ng kanyang kumpanya dahil naglasing, dapat sana ay nandoon siya para asikasuhin ang trabaho niya.

Pinanuod ko siya habang umaandar pataas ang elevator patungo sa kanyang penthouse.

His hair looked so messy, gusot-gusot rin ang kanyang damit, naka-ayos naman siya at halatang nag-ayos pa siya. Siguro papunta siya sa kanyang event kaso iba ang napuntahan.

Nagpamaywang ako habang nakatingin sa kanya sabay iling ko.

"Hey," tawag ko sa kanya ngunit kaagad niyang tinaas ang kanyang kanang kamay para patigilan ako. Nakatalikod siya sa akin ngunit nakaharap ako sa kanya.

"I'm okay, miss. I'm just drunk, you know..." lasing niyang utas. His voice was still deep but sounded weak because of the alcohol.

Amoy ko rin ang tapang ng alak at naghalo rin ang paborito kong pabango niya.

"Bakit ka ba naglalasing?" inis kong saad dahil nakikita ko ang sitwasyon niyang parang nahihirapan.

"Madami..." natatawa pa niyang saad, "but you won't probably listen. It will take hours," dagdag niya.

Nang matapos siyang magsalita ay kaagad namang nakarating ang elevator sa kanyang penthouse. Lumabas siya ng pagewang-gewang. Hindi ko pa siya hinawakan, nanonood lang ako sa kanya.

Nasa harapan na kami ng pintuan ng kanyang penthouse. May mga ibang pintuan sa dulo dahil stock room iyon at kung ano pang bagay.

Pangalawang beses ko ng nakapunta roon at sa unang punta ko ay hindi pa maayos ang lugar.

Kaagad na nagtungo si Arthuro sa pintuan at mahirap pa niyang hinanap ang lock ng kanyang pintuan, it was a finger print automated lock kaya madali siyang nakapasok kahit na nahihirapan.

Umiling na lamang ako nang tila hindi niya ako napansin na nakasunod dahil sa kanyang kalasingan. Isa lang ang napagtanto ko, madali siyang manakawan kung malasing. Nakita ko na siyang lasing ngunit hindi pa sa ganoong sitwasyon, tila malaki ang problema niya.

I walked inside his penthouse without his permission, I just want him to be safe. Baka kung ano ang mangyari sa kanya dahil sa sobrang kalasingan.

I looked around the room, it was almost finished. Noong unang pasok ko ay wala pa itong mga gamit. At ngayon ay marami na at halos kompleto na. Hindi ko alam kung minimalist ba o sadyang kaunti lang ang gamit niya. Wala rin halos gamit sa kanyang kusina.

Kaagad ko siyang sinundan sa kanyang higaan. Siniguro ko na nasa kama na siya. At nang pumasok ako ay nakita ko na siyang nakalatay at halos malaglag na sa kama niya. Ang kanyang paa ay nasa sahig at ang balikat at likod niya ang nasa kama niya. His feet was on the floor and his shoulder and back was against the mattress.

Nasa hamba ako ng kanyang pinto nang muli siyang gumalaw. Nakasandal ako roon habang pinagmamasdan siya. Kaya niya naman pala ang sarili niya kapag lasing.

Bumuga ako ng malalim na hininga dahil bigla kong naramdaman ang pagod. Malalim na ang gabi at masakit na ang aking paa dahil sa tagal kong nakatayo.

Binagsak ko ang aking balikat at nang tatalikod na sana ay narinig ko ang boses niya, boses ni Arthuro.

"Who are you? Wala akong inuwing babae! I'm loyal!" he drunkily said.

Umiling na lamang ako pagkatapos kong marinig iyon mula sa kanya.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now