Pleasure 14

2.8K 42 7
                                    

"Ibigay niyo ang pinag-hinarapan namin." Rinig ko pa ang isang pamilyar na boses.

"Wala na kaming ipapakain sa pamilya namin!" sabi pa noong isa.

Napatayo kaming lahat nang marinig iyon, naunang naglakas sa akin si nanay Ising.

"Jaan kana muna, ako muna ang makiki-usap sa kanila." Pagpipigil niya sa akin.

Pero hindi ako nagpatinag. Gusto ko silang harapin, kahit natatakot ako, kahit hindi ko alam kung paano ko iyon aayusin.

"Sasama po ako." Pamimilit ko.

Humarap sa akin si nanay Ising at sinimangutan.

Lumipat ang kanyang tingin sa aking likuran kung nasaan ang dalawang kabaong ng aking magulang.

"Walang magbabantay sa kanila." Pahiwatig niya sa kabaong.

Hindi iyon sapat na dahilan para hindi ko sila harapin.

Hinarap ko din ang kabaong at nakita ko sa aking likuran si Gino.

I gave him a bow and I know he understood what I mean.

Sinuklian niya lamang ako ng pilit na ngiti at pagtango.

Siya muna ang magbantay para maharap ko ang mga nasa labas. Dahil kailangan ko, kailangan ko silang harapin hindi lang dahil kailangan kundi dahil sa utang na loob. Matagal din silang nag-trabaho sa amin at alam kong malaki ang naitulong nila at sa aming hacienda.

Naunang naglakad sa akin si nanay Ising at nadatnan nalang namin si mang Karding na nakikipag-usap sa grupo ng mga tao sa labas ng aming bahay.

"Pasensya na at hindi pa kayo makakaharap ni Andra, nagluluksa ang bata..." nadatnan ko ang pakikipag-usap ni mang Karding sa mga tauhan namin.

"Ayan na pala siya eh, kausapin mo kami." Matigas na bulyaw sa isa sa mga nagtatrabaho sa amin.

"P-pero..."

"Hindi po mang Karding, kakausapin ko po sila." Walang emosyon kong saad.

Hindi na natuloy sa pagsasalita ang matanda dahil nagsalita na ako.

"A-ano po ang kailangan ninyo?" namalat ang aking boses dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Bakit kailangan pa nilang kumuha ng barangay.

"Kailangan. Namin. Ng. Pera. Nawalan kami ng trabaho."

My lips parted out of confusion.

"Pero nagbigay na po kami, si mang Karding po ang nag-abot ng pera sa inyo. Para sa kita niyo sa araw na iyon." Paliwanag ko.

"Hindi sapat ang dalawang libo, hindi niyo alam ang hirap namin dahil sa pagkain na iyon!"

Mas lalo lamang ako naguluhan at hindi makapaniwala.

"Paano pong hindi sapat? Apat na araw na katumbas po iyon sa pagtatrabaho sa amin." Paliwanag ko.

Nagbulong-bulongan ang paligid na parang bubuyog. Halos kalalakihan ang mga iyon, nasa benteng tao, nakasuot sila ng karaniwang rattan na sombrero at long sleeve.

"Kung ikaw kaya ang nalason? Baka ipakulong mo pa ang nagpakain sa'yo. Pasalamat kayo at hindi pa naming kayo pina-aresto!" sigaw noong matabang lalaki.

Laglag ang aking panga dahil sa gulat. Namuo ang mainit na luha sa aking mga mata dahil sa emosyon. Hindi dahil sa awa sa kanila kundi sa galit.

"Aksedente po ang nangyari." Mahina kong saad sabay punas ng mga luha sa aking pisngi.

"Hindi kami naniniwalang aksedente!" sigaw noong mga tao sa bandang likuran.

'Hindi po..." pagtatanggol ko sa aking sarili.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now