Pleasure 40

1.9K 36 3
                                    

"Let's go," muling anyaya sa akin ng lalaking nakahawak sa aking baywang. Nakapikit akong sumasayaw kasabay ng paggalaw ng aking baywang.

Napadilat ako ng aking mata nang mas humigpit ang pagkakahawak sa akin.

"Ano ba?" masungit kong tanong.

"Tara na nga," muli niyang anyaya.

Humugot ako ng hininga at tuluyang humarap sa lalaki. Kaagad na nagtama ang tingin naming sa isa't isa at kaagad na naglakbay ang pabango niya sa aking ilong na nagpabalik sa aking huwisyo.

Kaagad na nag-init ang aking pisngi at nanghina nang makita ang iritang mukha niya. Marahan kong hinanap ang kanyang malapad na kamay sa aking baywang at nang mahanap iyon ay kaagad kong binuhat paalis sa aking katawan.

Nang matanggal iyon ay kaagad na akong tumalikod sa kanya upang maglakad palayo ngunit hahakbang pa lamang sana ako ay muli niyang nahawakan ang aking kamay. Hinila niya iyon upang mapaharap sa kanya. Para kaming may sariling mundo kahit na ang nasa paligid namin ay mga taong naghihiyawan at nagsasayawan dahil sa malakas at maingay na musika ng silid.

It feels so quiet that time. Parang kami lang ang nasa silid na iyon.

Gamit ang kanyang isang kamay ay pinulot niya ang isa ko pang kamay upang hindi makawala sa kanya. Nakayuko ako dahil iniwasan ko ang namumungay niyang mga mata dahil sa impluwensya ng alak.

Naramdaman ko na din ang init ng alak sa aking tiyan, medyo umalon na rin ang aking paningin dahil maaga kaming uminom kasama ko ang mga katrabaho ko.

"I'm taking you home." He stated as if I don't have a choice.

"Huwag kang magdesisyon para sa akin," matigas kong saad nang tiningnan ko na siya sa mukha.

I saw how his jaw moved. Hindi ako nagpatinag sa kanya.

"You know what? Just dance with me!" malakas kong saad nang biglang lumakas na naman ang musika ng lugar. Nang masabi ko iyon ay kaagad pa akong humakbang malapit sa kanya at halos magkadikit na ang aming katawan. Nanatili siyang nakatayo at hindi gumalaw nang sumayaw ako sa kanyang harapan. Tinanggal ko na ang kamay niya sa aking katawan upang makasayaw ng mas maayos.

Hinawakan ko pa ang kanyang dibdib upang doon kumapit habang sumasabay sa tugtog ang aking balikat at baywang.

Hindi siya gumalaw habang ginagawa ko iyon sa kanyang harapan. Parang siyang poste sa gitna. Ang kamay ko sa kanyang dibdib ay marahang dumausdos paibaba hanggang sa kanyang tiyan. He was wearing a white long sleeves, siguro ay galing pa siya sa trabaho.

"Dito ka ba palagi simula noong naghiwalay tayo?" Nilapit ko ang aking mukha sa kanya upang bumulong malapit sa kanyang tenga para marinig niya.

Ngumiti ako nang makita ang pagdilim ng kanyang mga mata. Mas lalo lang akong natuwa dahil mukhang asar na asar na siya.

Muli akong sumayaw at sa pagkakataon na iyon ay nakatalikod na ako sa kanya. I know he was watching me dance, specially I was twerking in front of him.

Natawa ako nang magawa ko iyon. Hindi ko pa nagawa iyon buong buhay ko. Nakikita ko lang iyon sa mga kasamahan ko. Hindi rin naman ako sanay sa mga ganoong bagay ngunit noong magsimula na ako sa modeling ay madalas na kami sa club dahil sa mga invitation na kailangan naming puntahan.

Habang sumasayaw pa ako ay may lumapit bigla sa akin. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya sa umpisa dahil malayo ang ilaw sa amin.

Lumapit iyon sa akin at narinig ko ang malalim niyang boses.

"Want to go out?" tanong ng lalaki. Hindi na ako nagulat dahil may mga nagtatanong na sa akin noon. Nagulat lang ako noong una pero noong sumunod na ay hindi na.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz