Pleasure 12

2.9K 49 3
                                    

Pleasure 12
Tila nakalutang ako sa kawalan habang binabaybay ang elevator para puntahan ang tamang palapag kung nasaan si papa.

My mother just called me, she’s crying, but that cry…that cry was different. Ngayon ko lang narinig ang iyak na iyon mula kay mama. Puno ng sakit, she was sobbing so hard.

Malabo man ang aking mga mata habang hinihintay ang mabagal na pagtaas ng elevator ay hindi ko na inalintanang punasan pa ang aking luha.

They just keep flowing down through my cheeks, I can feel how painful it was. Pero…pero ayaw ko pang maniwala. Baka nag kakamali lang si mama, iyon ‘yon totoo.

Pilit kong iniisip ‘yon pero hindi ko maiwasang mag-alala, hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng negatibo.

Nang tumigil ang elevator ay kaagad kong tinakbo ang tamang pintuan, madami ang nagkalat na tao sa paligid, halos mabangga ko na sa bilis ng aking takbo para lamang kumpirmahin ang sinabi ni mama.

Hindi pa patay si papa, hindi iyon totoo.

Kagat labi at matapang kong binuksan ang kwarto ni papa ngunit natigil lang ako nang makitang walang tao roon, wala si mama, at si papa. Puwera lang sa isang nurse na tila may inaayos sa may apparatus.

Kahit paano ay nagkaroon ako ng pag-asa na maaaring nagkakamali lang si mama. Na hindi iyon totoo.

“Na-nasaan po ‘yong papa ko?” hindi ko makontrol ang panginginig ng aking panga.
I was stunned when the nurse looked at me with a serious face.

“Nasaan po?” ulit ko sa halos bulong na paraan.

“Papa niyo po ba ‘yon ma’am? Si mister Villavecencio?” propesyunal na saad nang nurse.

“Opo.” Mabilis kong sagot.

Bumagsak ang kanyang balikat at tila nanlambot ang kanyang mukha.

Hindi.

Ayaw kong marinig ang sasabihin niya.

Hindi.

“His remain is in morgue right now ma’am,” sagot lamang niya.

My brows arched.

Nakita ko ang paglunok ng nurse.

“I’m sorry ma’am, hindi po nakayanan ng papa niyo ang sugat niya sa kanyang ulo. He didn’t survive ma’am. We’re so sorry for your lost.” Then she bowed her head.

Kaagad na nanghina ang aking katawan. Ang aking tuhod ang biglang nangatog.

Pilit kong hinabol ang aking hininga habang patuloy ang pagbugso ng maiinit na luha mula sa aking mata.

Hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil naramdaman ko ang kurot sa bawat pitik nito.

“Pa…” It’s a whisper came from my mouth.

“Maiwan ko na ho muna kayo,”
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo habang hinahabol ang aking hinga. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil tila napakahina nito para maglakad.

“Andra…” boses ng pamilyar na tao ang narinig ko mula sa aking likuran.

Suminghap ako bago ko siya hinarap.

Ang kanyang mga mata ay derektang nakapako sa akin, ngunit ngayon ko lamang iyon nakitaan ng panghihina at awa.

“Si papa…” I said when I faced Arthuro.

“Si papa…may nangyaring masama sa kanya,”

“Wala na si papa…Arthuro wala na si papa…” muling bumuhos ang aking luha.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now