Pleasure 41

2.2K 38 5
                                    

Gising, luto, ligaw, all day, a nightmare with her parents asking for help, then saw by Arthuro

Pleasure 41

Ginising ako ng sakit ng aking ulo sa umagang iyon. I was staring at the ceiling trying to remember what happened last night. It was not clear but I remember some of the details especially what happened between me and Arthuro. Napahawak ako sa aking dibdib at napakurap-kurap na lamang dahil nahihiya ako para sa aking sarili.

After a minute of regretting about what happened, I heard a creaking noise at my door. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Arthuro na walang saplot pang-itaas ngunit naka-apron siya, mukhang nagluluto dahil pumasok sa loob ng kuwarto ang mabangong amoy mula sa kusina.

I saw him staring at me making me conscious of the way he looked at me, baka makita niya ang hitsura ko sa umaga. Alam ko naman na nakita na niya akong ganoon pero hindi ko parin mapigilan dahil ilang buwan na kaming hiwalay.

"Ano?" tanong ko sa kanya habang nakatakip ang aking katawan gamit ang comforter.

"The breakfast is ready. Kailangan mo ring uminom ng gamot, hitsura mo palang may hangover na." natatawa niyang saad at tumalikod na siya sa akin. Lumantad sa akin ang hubad niyang likuran, sa ilang buwan naming hindi nagkasama, alam ko na kung ano ang nagbago sa kanya. His body become bigger and very masculine.

Iniwas ko ang tingin ko mula roon dahil nakaramdam ako ng kakaibang init na hindi ko dapat maramdaman habang kasama ko siya.

I went inside the bathroom and fix myself before going out of the room.

Papasok palang sa kusina ay naamoy ko na ang bango ng bacon at hotdog.

Nang makapasok ako ay kaagad na nahagilap ng aking mata ang lalaking nakabihis na at matyagang naghihintay para sa akin. Sinulyapan ko pa ang mga niluto niya at marami iyon.

"I have clothes in my car kaya nakapagbihis ako," tinaasan ko siya ng kilay nang sabihin niya iyon kahit hindi ko naman tinanong.

Gusto ko sanang sabihin na 'share mo lang' kaso baka masira ang araw niya, mukhang maganda ang tulog niya. Speaking of tulog. Saan siya natulog?

"Saan ka natulog?" tanong ko sa kanya. Ngumuso siya at ngumiti.

"Sa kama mo," mapang-asar na wika niya na kaagad ko namang kinagulat.

"Ano?" hindi makapaniwala kong saad.

"Sa guest room mo, hindi ba kama mo 'yon? Hindi naman ako tatabi sa'yo kung wala akong permission galing sayo," wika niya lamang. Kaagad na dumaan sa aking isipan ang nakaraan naming, hindi naman siya ganoon.

"Hindi ka naman ganoon, natutulog ka nalang basta sa tabi ko," sagot ko sa kanya at kaagad na narinig ang munti niyang alakhak. Kinuha ko na ang bacon at nilagay sa aking plato habnag naririnig ang munti niyang halakhak.

"Tayo na noon noong ginawa ko iyon. Except noong fubu pa tayo." Sumubo pa siya habang nakatingin sa akin ng deretso. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya pabalik.

"At hindi pa talaga tayo puwedeng magtabi dahil hindi pa kita sinasagot," dagdag niya na nagpatigil sa akin sa pagnguya. Kunot noong akong tumingin sa kanya.

"Anong ibig mo sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanyang hitsura.

Bigla akong kinabahan baka may ginawa akong katarantaduhan kagabi na hindi ko maalala.

He chuckles softly while he shook his head.

"Ano nga?" asar kong tanong kahit na kinakabahan na.

Tumigil siya sa pagnguya at tinuon ang kanyang atensyon sa akin. Parang tinusok ng kanyang mga mata ang aking kaluluwa nang tumingin siya sa akin.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon