Pleasure 42

5.5K 65 25
                                    

I was panting so bad after that dream. I dreamed of my late parents, sila mama at papa. Humihingi sila ng tulong sa akin. Kahit na malamig ang kuwarto ay hindi natinag ang pawis na luabas mula sa aking noo nang magising ako. Nasa aking tabi si Arthuro na natataranta at mukhang hindi rin alam ang gagawin. Mabilis na nagtungo ang aking kamay sa aking dibdib upang mas lalong maramdaman ang malakas na tibok ng aking puso.

"Are you okay, Love? Please answer me," he pleased. Nakahawak siya sa aking pisngi at tinitingnan akong mariin.

"Hey, please don't cry. May masakit ba sa'yo? Ano napanaginipan mo? Binangungot ka ba?" nag-aalala niyang saad. Kung hindi pa niya nabanggit na umiiyak na ako ay hindi ko iyon matatanto, saka ko lang naramdaman ang mainit na luha sa aking pisngi na walang tigil sa pag-agos dahil sa samo't saring nararamdaman.

"Calm down. Drink this water," nilahad niya sa akin ang tubig at kaagad kong kinuha iyon na walang sinasabing kahit na anong salita. Gumaang ang aking loob at pakiramdam nang makainom, saka lang ako nakatingin ng deretso kay Arthuro. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, hindi natanggal ang kanyang mga mata sa akin.

Nang umiwas ako sa kanyang mata upang tumingin sa bintana ay nakita kong madilim pa. Hating gabi o madaling-araw.

"It's three in the morning. Do you need something? Please tell me," tanong niyang muli ngunit umiling lamang ako sa kanya.

Hindi ko namamalayan na nakatulog pala ako sa kanyang condo, nakatulog siguro ako sa kanyang sala at binuhat nalang dito. I was so tired about what happened yesterday, madami ang nangyari at marami akong nalaman at hindi iyon naalis sa aking isipan matapos ang aking panaginip.

Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Kung iisipin ko ba ang tungkol sa amin ni Arthuro o ang tungkol sa napanaginipan ko—sila mama at papa.

Matagal na buwan narin ang lumipas nang huli ko silang mapanaginipan, hindi ko na din maalala kung kailan. Matagal na rin ang panahon na inabot ko sa paglimot sa kanila, matagal kong hindi sila inisip simula nang mapadpad ako sa syudad.

At ngayon...muli na naman silang nagpaparamdam at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

I promised them to give me the justice that they deserve yet I was stuck in the middle of the city, without anything, and keep trying to fix and build myself again.

"Are you alright?" malalim ngunit mahin ang boses ni Arthuro.

He was topless and just wearing his animal printed boxer short. Napatingin rin siya sa kanyang katawan nang mapansin niyang tumingin ako.

"A-ayos lang ako," namalat ang boses kong sagot.

"May nangyari ba sa atin kagabi?" tanong ko sa kanya baka maaring iyon pa ang dahilan kung bakit ako binangungot. Wala rin akong maalala kagabi.

"Nothing happened. Binuhat lang kita rito sa kuwarto ko baka sakaling mas komportable ka. Nakatulog ka kasi sa sofa." Paliwanag niya.

"Bakit mo ako nakitang nananaginip?" kuryuso kong tanong sa kanya. Siya naman ang kaagad na nag-iwas ng tingin sa mata ko.

I cleared his throat before he talked.

"Kukuha sana ako ng damit," wika niya ngunit mukhang hindi siya nagsasabi ng totoo.

Hindi ko nalang inisip iyon. Condo niya naman iyon at gagawin niya ang lahat ng gusto niyang gawin.

Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam kong pinapakiramdaman naming ang isa't isa at parehas kaming may gustong sabihin.

Madami naman talaga akong gustong sabihin sa kanya ngunit hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaharap ko siya ay nagkakahalo-halo ang lahat hanggang sa hindi ko na maitanong ang dapat na itanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now