Pleasure 5

4.7K 78 3
                                    

Napatulala na lamang ako nang mawala siya sa aking paningin. Tahimik akong umupo mag-isa sa aming hardin.

Malalim nadin kasi ang gabi kayat lumalamig na, ang musika ay paiba-iba ang tempo, minsan ay cha-cha at minsan naman ay pop music.

Nanatili ako roon ng ilang minuto habang malayo ang iniisip. I just met Arthuro Dick Inosento, wait, what?

D-dick? Shit.

Napakagat labi ako nang mapagtanto ang kanyang pangalan, seryoso ba siya? Pero kung iisipin naman, magandang pangalan naman iyon.

Ano ba dapat ang itawag ko sa kanya?

Magkikita naman kami bukas sa plantasyon kaya pwede ko siyang tanngin. Ipapalaba ko narin bukas itong coat niya para maisauli ko.

Niyakap kong muli ang aking sarili habang nakasuot sa akin ang pinahiram niyang coat, kanina pa naglalaro sa ilong ko ang mabangong amoy nito.

It's a manly perfume, nakaka-addict. Hindi siya masyadong matapang at hindi rin naman siya gaanong nakakahilo, sakto lang.

Nang matapos ang ilang minuto kong pag muni-muni ay napagpasyahan kong bumalik sa venue para magpaalam kay papa at mama. Napagod nadin ako sa mahabang araw.

Naligo pa ako at nagbihis bago humiga sa kama, nilagay ko lang sa vanity table ko ang coat na bigay sa akin noong lalaki, si Arthuro

Nakatingala lang ako sa ceiling habang malayong nag-iisip.

Madaming nangyari sa araw na ito, madaming naganap, it's my birthday, may parents gave me special gift; the land and the necklace.

I won't ask for more; I'm contented for what I have right now.

Tilaok ng manok at pamilyar na ingay ng probinsya ang sumalubong sa akin matapos kong imulat ang aking mga mata. Ilang segundo pa akong natulala habang pinoproseso ang mga nangyari kahapon at kagabi.

It was an amazing birthday celebration, hindi lamang dahil birthday ko kundi nagkaroon din ng paraan ang mga nagtatrabaho sa amin para magsalo-salo sa iisang hapag. Siguro ay nasa kani-kanilang trabaho na sila ngayon dahil naaaninag ko ang malakas na sinag ng araw sa puti at manipis kong kurtina na sumasayaw rin pagkatapos dumaan ng umagang hangin.

Maagap akong tumayo upang mag-ayos ng sarili, kaagad kong hinakbang ang aking paa patungo sa aking banyo ngunit napatigil ako ng mahagip ng aking mga mata ang coat na binigay ng lalaking nakausap ko kagabi si Arthuro Dick, and I forgot his surname.

Lumihis ang aking paa at nilakbay ko ang vanity table ko kung saan nakapatong roon ang coat, hinimas ko ang malambot na tela nitong napaka-gaan sa pakiramdam.

Sumilay ang aking ngiti sa aking labi nang maalalang magkikita pala kami ngayon.

Anong oras na nga ulit?

Four-thirty in the afternoon, yeah, before the sunset.

Hinawakan kong muli ang tela ngunit tila may nagtulak sa akin na kunin iyon upang muling amoyin.

Kaagad na kumalat ang mamahalin at nakaka-addict na amoy nito sa aking ilong. Halatang mamahalin.

I was about to put back the coat on the vanity table when I heard three knocks at the door. Tiningnan ko iyon at hinintay kung mayroong magsasalita.

"The breakfast is ready, Andra," masiglang boses ni Gino sa labas.

Muntik ko ng makalimutan na sa kabilang kwarto pala siya natulog. At isa pa hindi ko siya nakita kagabi sa party ko.

I'll ask him later.

"Coming!" sigaw ko at kaagad na binalik ang coat sa dating pwesto nito.

Tinungo ko ang banyo at kaagad na naligo at nagbihis na rin.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon