Pleasure 28

2.5K 58 7
                                    

Mabilis natapos ang araw na iyon. Tinulungan niya lamang ako sa pagbitbit ng aking gamit para ilagay sa loob ng aking apartment.

Isang linggo nadin kasi ang lumipas simula noong huli kaming magkita. Siguro abala na siya sa kanyang trabaho dahil sa nagambala ko siya noong hinanap niya ako.

Mabilis naman akong nakapag-adjust dito sa lugar, pwera nga lang sa land lord nitong lugar. May kasungitan din pala, gaya na lamang noong unang salta ko rito.

Mapayapa naman ang naging unang araw ko dito sa apartment, may gabi nga lang na umiiyak ako dahil naaalala ko ang lahat ng nangyari sa akin at sa magulang ko. Dalawang buwan na pala mahigit ang nangyari. Wala akong magawa sa mga gabing iyon dahil wala naman akong masasandalan na balikat dahil mag-isa lang ako. Gusto ko sanang tawagan si Arthuro para maka-usap ngunit ilang araw nadin siyang hindi nagpaparamdam. Iniisip ko nga na baka ayaw niya na ang set up naming dalawa. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sino ba naman ako. Ang sakit lang isipin.

Wala akong nagawa noong araw ng Linggo kundi tumunganga at mag-isip, minsan ay umiiyak na lamang ako ng hindi ko malaman ang dahilan.

Kaya kinailangan kong lumabas ng aking apartment noong araw ng Lunes. Kasi tingin ko kailangan ko maghanap ng trabaho para malibang ko ang aking sarili at makapag-ipon. May pera pa naman ako kaso hindi ko na alam kung sapat pa ba yun para umabot ng ilang buwan.

Kailangan ko ng matuto na buhayin ang sarili ko, alam kong naging madali ang buhay ko noon sa probinsya kaso ayaw ko ng balikan iyon. Hindi ko na nga alam kung makakabalik pa ba ako roon kung magiging maayos na ang lagay ko rito. Ayaw ko na mulig maalala ang lahat ng nangyari, sobra akong nasaktan sa pagkawala ni mama at ni papa at sa pang-aabuso ng mga tao sa amin. Hindi ko makakalimutan 'yon.

Tiningan ko ang aking hitsura sa salamin habang inaayos ko ang aking damit. Nakasuot lamang ako ng dress at nakatirintas ang aking buhok, presentable naman ang aking suot at sa mababang posisyon muna ako dahil wala pa naman akong nasubukan na trabaho.

Ngumiti ako sa aking sarili sa harap nang salamin matapos kong lagyan ng liptint ang aking labi at kaunti sa aking pisngi.

Puno ng pag-asa ang aking puso, hindi ko man sigurado na magkakaroon ako ng maayos na buhay dito sa syudad ngunit nasisigurado ko naman na kahit papano ay magkakaroon ako ng lugar upang mapabilang dito.

"Kaya mo yan, Andra." Wika ko sa aking sarili upang magkaroon naman ako kahit papano ng motibasyon.

I was about to get my mini bag when I heard my phone. It was a call.

Pinulot ko iyon sa tabi ng aking bag at kumunot ang aking noo sa nakita.

"Himala..." bulong ko.

Tinitigan ko muna ng ilang segundo ang aking pangalan ni Arthuro sa screen ng aking phone.

"Hello," I casually said.

It takes him a few seconds before I heard his voice.

"I think I'm dying," para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Anong mamamatay eh ang lakas-lakas niya!

Hinipitan ko ang hawak kong cellphone. Nanghihina ang kanyang malalim na boses.

"Anong sabi mo?!" Napalakas ang tono ng aking boses.

"Nothi—O shit!" my lips parted when I heard a broken glass from his line.

"Tangina. Ano nga?" hindi ko maiwasang hindi kabahan. Baka nakidnap na siya!

"I'm just sick, I can handle myself," alam kong nagdadahilan siya.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaМесто, где живут истории. Откройте их для себя