Pleasure 6

4.5K 72 6
                                    

I was fuming mad when I looked at him, he was standing with his hand in his pocket, wearing semi-formal sleeves folded up to his elbow. His outfit doesn't match the place where we were.

Pinaningkitan ko siya ng tingin habang magkasalubong ang aking mga kilay dahil sa iritasyon sa kanya at sa aking sarili.

How dare him for making me wait, siya na nga itong may kailangan siya pa ang may ganang magpahintay.

"I'm sorry," with his dark expression.

Lumubog na ang araw at ang kapaligiran ay unti-unting napapalitan na ng kadiliman. Malamig na din ang hangin na humahaplos sa aking malambot na balat.

"Sorry your ass." Matigas kong saad at muling tumalikod sa kanya.

Muli akong umupo sa bato kung saan ako naka-upo sa kanya.

Sa aking bandang harapan ay ang paper bag na tinapon ko kanina lang dahil sa inis na matagal na paghihintay.

"Kanina ka pa rito?" tanong nito sa kanyang malalim na boses.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang kanyang paggalaw ambang uupo sa aking tabi.

Kaagad na kumalat sa paligid ang pamilyar na nakaka-addict na amoy nito.

He looked so tall, Malaki rin ang kanyang katawan dahil lantad sa kanyang hapit na damit.

Muli akong nag iwas ng tingin at inignora lang siya.

"Something happened on the site, and I can't just leave it, sorry." Pagpapaliwanag nito habang nakatingin sa malayo o sa kawalan.

"Kaya ayos lang sa'yo na naghintay ako..." masungit kong saad.

"dalawang oras mahigit akong nandito. Kunin mo na ang coat mo at uuwi na ako." Sabay turo ko sa paper bag na hinagis ko dahil sa iritasyon.

Pinasadahan ko siya ng tingin at nakitang may multo ng ngiti sa kanyang ekspresyon. Mas lalo lang akong nairita.

"You were really mad at me, kaya nagawa mong ihagis iyong coat." May halong sarkasmo sa kanyang boses at nakataas ang dulong bahagi ng kanyang labi.

Tumayo siya at humakbang patungo sa paper bag. kaagad rin siyang bumalik sa kanyang puwesto para umupo. Ngunit bago pa siya umupo ay nagsalita na ako.

"Uuwi na ako, salamat pala sa coat mo." Saad ko at tumayo na.

I gritted my teeth when I started walking. Tanaw pa sa malayo ang bahay naming at nakasindi nadin ang ilaw. Talagang gabi na nga.

I sighed and looked up to avoid my tears from falling.

"Hey, may sasakyan ka?" papalapit na boses ni Arthuro. Sinusundan yata ako.

Hindi ako lumingon.

"Wala." Tipid ko saad, halata sa boses ko ang iritasyon.

Nag-ayos pa ako, nagpalda pa ako kahit hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito. Tapos malalate pa siya? At ano? Maglalakad ako sa kadilimas?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko pero pinigilan ko. Baka mahalata niyang naiinis ako.

"Are you sure you'll walk?" tanong nitong muli.

"Oo." Obvious ba, wala naman akong dalang sasakyan. At isa pa hindi man lang ako sinundo ni Gino. He is true to his word. Nakakainis! Kung kailan kailangan ko siya doon naman siya hindi susulpot!

Tahimik lamang akong naglalakad habang sinasalubong ang malamig na hangin. Nililipad rin ang aking hanggang sikong buhok.

"Are you sure?" muling tanong ng lalaki hindi yata akon titigilan sa pagsunod.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon