Pleasure 35

2K 52 2
                                    

Tinakpan ko ang aking bunganga upang pigilan ang aking hikbi. Kaagad na nanlabo ang aking paningin nang mabasa iyon mula sa screen ng cellphone ni Arthuro.

Para akong hihimatayin sa aking kinakatatayuan habang hawak ko sa aking kamay ang kanyang cellphone.

I suddenly felt so weak.

Magkapatid kami?

Hindi iyon puwede. Masama iyon sa mata ng tao at sa mata ng diyos at ang masama pa rito at base sa text ni Jacob ay tila alam ni Arthuro ang tungkol dito.

Pero paano? Buo ko ba siyang kapatid kung sakali? Sino sa magulang ko ang nagloko? Si mama ba o si papa?

Masyado akong naguguluhan. Madaming tanong sa aking isipan na gusto ko kaagad na mabigyang kasagutan ngunit takot at pandidiri sa aking katawan ang aking naramdaman.

Para akong nangangati, parang gusto kong balatan ang aking sarili dahil sa inis sa aking sarili.

Napatulala na lamang ako habang tuluyang dumausdos ang aking luha patungo sa aking pisngi. Nabitawan ko ang cellphone sa aking kamay nang umupo ako dahil biglang nanghina ang aking tuhod. Kung tatayo ako ay maari akong matumba sa kahit na anong oras.

Tila tinutusok ang aking puso nang paulit ulit dahil sa sakit dahil sa pagkabigo at pagtataksil na ginawa niya sa akin. Hindi ko maisip na pati ito ay nagawa niyang ilihim sa akin.

Masyado akong nagpaloko. Masyado akong uhaw sa atensyon ng iba kaya ako nagpaloko.

Paano niya nagawa sa akin na pagtaksilan.

"Mukhang masarap ang niluluto ng mahal ko—hey, are you alright?" narinig ko ang papasok na boses mula sa aking pintuan.

Kahit na nanlalabo ang aking mata dahil sa mga luhang naglalandas ay naaninag ko ang pagdalo niya sa akin ngunit hindi ko maatim na lapitan siya.

Tumayo ako at umatras nang lumapit siya para pigilan siya sa paglapit sa akin.

"Hey, are you alright, baby?" nag-alala niyang saad sa akin.

Ngunit mas nangibabaw ang galit at inis ko sa kanya. Mas lalo akong nainis sa aking sarili dahil alam ko na ngayon na matagal na siyang nagsisinungaling sa aking harapan.

Ang tanga ko lang na naniwala ako sa lahat ng mga salita niya, sa mga tinginan niya. Paano niya nagawa sa akin ito?

"Hayop ka! Paano mo nagagawa sa akin ito?" malakas kong bulyaw at humikbi.

Gusto ko siyang hampasin at saktan ngunit ayaw ko siyang lapitan. Nandidiri ako sa aking sarili, nandidiri ako sa kanya.

"What? Please calm down, baby. Ano ba 'yon?" tanong niya.

"Sinungaling ka. Paano mo nagawa sa akin ito? Paano mo nagagawang humarap sa akin at halikan ako? Paano mo nagagawang tingnan ako sa mata habang nagse-sex tayo? Paano? ang baboy mo! Nakakadiri ka!" sunod sunod kong tanong sa kanya ngunit hindi siya sumagot.

"Paano mo maipapaliwanag sa akin ang text ng kaibigan mo?" hamon ko sa kanya sabay punas ng aking luha.

Naging mas malinaw ang mukha niya kumpara kanina.

Lumuhod siya at pinulot ang kanyang cellphone sa sahig dahil nabitawan ko iyon.

"Oh God!" Narinig ko pa ang malutong niyang mura.

"Let me explain." Lalapit pa sana siya ngunit pinigilan ko siya.

Umiling iling ako dahil sa pagkadismaya ko sa kanya.

"Mali ang iniisip mo. Andra, listen to me, okay?"

Hindi ako sumagot sa kanya ngunit halos magkasalubong na ang aking kilay dahil sa galit na nararamdaman sa maraming bagay.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon