Kabanata 3

19.1K 496 56
                                    


Natapos ang party kagabi na wala akong ginawa kundi umupo. Kaya nang matapos ay excited ako at nakatulog agad. At akala ko makakapagpahinga ako pero nagkamali ako.

"Saan dito ang gusto mo, Selena? It this or this?" Pakita ni Mommy sa akin ng dalawang dresses.

Hindi ako sumagot at tumitig lang sa dress. I love dresses but I am just really tired today because I only slept 3 hours. The party ended at 2 am and Mommy woke me up at 5.

"Selena, I am asking you," may diing ani ni Mommy.

Napanguso ako. Inaantok pa ako.

"The black one, Mom," inaantok na sagot ko.

Sino ang mamimili ng dresses ng alas sais ng umaga, ha? Only my Mom.

"Get a grip Selena and act like a mature one. You're turning 18 next week."

Napakamot ako sa ulo ko.

"Mommy, I am tired," reklamo ko at humiga sa sofa.

"Selana Dess Craig," sigaw ni Mommy.

Hindi ko siya pinansin at humarap na lang sa sandalan ng sofa para matulog.

"Selena!"

"Mommy, please let me sleep." Nguso ko.

"Isa."

Hindi ko siya pinansin at pumikit.

"Dalawa. You'll be grounded for a month kapag 'di ka tumayo."

At tinakot pa nga ako. Hindi ako matatakot sa grounded-grounded na 'yan dahil wala namang pasok at mas gusto ko 'yon kasi makakapagpaghinga ako.

"Tat---"

"Let her sleep, Tita. She seems tired and really sleepy."

Hindi ko na alam kung kaninong boses 'yon dahil tuluyan na akong hinila nang pagkaantok ko.

Nagising ako nasa kama ko na ako. Tiningnan ko ang oras at alas dos na nang hapon.

Ganoon ako katagal natulog? Lagot na naman ako kay Mommy nito.

Mabilis akong bumaba ng kama at tumakbo papunta sa banyo para maligo. Wala pang sampong minuto ay tapos na ako. Sa takot na lalo siyang magalit ay nagsuot ako ng dress kahit nasa bahay lang naman ako.

My Mommy always want me to be presentable kahit nasa loob lang ako nang bahay kasi raw baka may dumating na biglaang bisita tapos naka pajama or shorts lang ako.

Pagkatapos gawin ang ritwal sa katawan at buhok ay nagmamadali akong bumaba nang hagdan.

"Saan dito? Ito or ito?"

"The Black one."

Rinig kong boses na nanggagaling sa baba. Pagkarating ko roon ay nakita ko ang isang maid namin na pinapakita sa isang lalaki ang mga dresses na pinapipilian sa 'kin ni Mommy kaninang umaga.

"Ate Madz, where is Mommy?" tanong ko sa isang maid namin na nakatingin lang sa lalaking bisita namin na siyang namimili nang dress para sa 'kin

Hindi ko masyadong makita ang mukha nang lalaki dahil nasa likuran niya ako banda. Pero ang namumulang pisngi ng maid namin na siyang nagtatanong sa kaniya ay kitang-kita ko.

"Ate Madz," gising ko sa diwa nang maid namin.

"A-Ah? H-Ha? A-Ano, Ma'am?" utal-utal na tanong niya, mukhang nagulat ko ata.

Napalingon naman sa 'min ang maid namin na namumula ang pisngi at ang lalaki. Ang lalaki?

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha ng lalaki.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon