Kabanata 53

11K 235 16
                                    


"W-Was it fun...fooling me?"

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakalugmok sa semento. Lumapit kaagad si Diego para pagpagan ako but I pushed him.

"Don't touch me, you liar!"

Namutla siya. Lalo akong napaiyak at dahan-dahang umatras. Binalingan ko si Glenda.

"I thought you changed. Akala ko mapagkakatiwalaan ka na! Akala ko bumait ka na! Nagkamali pala ako!"

"Selena, I'm sorry. I didn't mean to. They just ask-"

"I don't care!"

Dahil sa sakit, galit, at puot na nararamdaman ko. Hindi ko na makuhang mautal pa. I am jut so hurt to the point that I want to hurt them too.

"All of you are a bunch of liars!" Binalingan ko si Diego. "I trusted you! I trusted you! Nagtiwala ako-"

"Wife-"

"Sumugal ako! Umasa ako, Diego. Umasa ako kaya ang sakit-sakit malaman na pinaglalaruan niyo lang pala ako lahat!"

"Selena, he wants you back that's why he did it!"

Parang wala akong narinig. Maganda man o masama ang rason, nagawa pa rin nila akong lokohin at 'yon ang pinakamasakit.

"D-Diego, I trusted you once more. A-Akala ko n-nagbago ka..." Humikbi ako.

"I-I d-did, w-wife. Just give me a chance to explain...."

Umiling ako. "What chance, Diego? Chance to lie again and to made me look like a fool, Diego! Sa lahat ng tao, ikaw ang isa sa mga taong inakala kong mahal ako ng totoo."

"I-I love you. I do, wife. I do. Kaya ko nagawa 'to kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. Please, listen to me. I didn't pretend to make you look like a fool. I pretended because I want you back so back."

Mas lalo akong napahikbi sa binigay niyang rason. I glanced once more at Glenda who is now crying before slowly turning my gaze to Diego.

"G-Gano'n k-ka b-ba talaga m-magmahal, D-Diego? Nananakit?"

"Wife-"

"A-All this time...a-akala ko ako ang nagsisinungaling." Bumuhos ang luha ko. "A-Akala ko... a-ako ang nagsisinungaling sa tuwing nagtatanong ka kung totoong mag-asawa tayo. A-Akala k-ko a-ako, D-Diego. Araw-araw dala ko ang guilt sa pagsisinungaling sa 'yo, 'yon pala, nagmumukha lang akong tanga. Nagmumukha lang akong tanga, kinakabahan pa. Natatakot pa."

Napahikbi ako lalo thinking about the day that I am so guilty for lying. Sa mga araw na pinakiusapan ko pa si Glenda. Sa mga araw na pilit ko pa silang ipinalalayo sa isa't isa. Sa mga araw na kinakabahan ako na baka isang araw pagka gising ko, may naaalal na siya at iwan ako.

Hinawakan ko ang dibdib ko ng sumakit ito lalo. Sumikip siya sa isiping buong buhay ko ay kasinungalingan.

"W-Wife, I-I didn't-"

"Yes, you mean it! You mean to lie and pretend. You mean to hurt me. You mean...e-everything."

Tinalikuran ko sila at pumasok.

"Selena!"

Hindi ko sila pinansin. The pain is eating me. Ang nakangiting mukha ng mga kapamilya ko ang nakita ko pagkapasok ko. Umusbong ang galit ko. Tumakbo ako papunta sa stage. Nagulat ang lahat pero nagpatuloy ako.

"Selena!"

Nangunota ng noo ni Regie ng makitang lumuluha ako habanng palapit sa kaniya.

"Selena, anong nangyari sa-"

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon