Kabanata 13

13.4K 348 32
                                    


Isang linggo na ang dumaan pero para pa ring sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang sinabi ni Diego ng gabing 'yon.

"No you don't, Selena. Yes, you are my wife but you only have the title but not the power of being one. Ang salitang 'yon lang ang meron ka at hindi ang mga bagay na kayang gawin no'n. You can't rule me neither my actions." Tumawa ulit siya ng nakakakilabot.  "Stop being so assuming. You have the title but you'll never have my respect. Kahit anong gawin mo, isa ka pa ring bata na walang lakas at walang kayang gawin."

Aware naman ako na bata pa ako. I am aware that I am still young and he's right in that part but not in everything. Dahil mali siya nang isipin niyang wala akong kayang gawin.

I maybe young but I can be wicked in my own way. Hindi siya magiging masaya hanggang sa hindi niya t-tratuhin ng maayos.

I know magiging busy siya ngayon kasi kahit naman hindi maganda ang pakikitungo niya sa 'iin ay nagsasabi pa rin siya kung ano ang nangyayari sa kompanya. He always explains why kapag late siya nakauwi.

Kaya ngayon ko sisimulan ang pang-aasar sa kaniya. This is a childish act I know pero tinuturing niya naman akong bata na walang kayang gawin kaya totohanin na natin.

Nagpahatid ko sa driver sa kompanya niya. Wearing my 4 inches heels paired with a tube and a high waist jeans ay pumasok ako sa kompanya niya. I don't wear like this usually pero magsusuot ako para sa kaniya.

Taas noo akong naglalakad. Alam ng lahat na ako ang asawa ni Diego kung no'ng una ay nahihiya ako sa kanila, ngayon hindi na. Ayokong isipin nila porket bata pa ako ay pwede na nila akong apakan.

"Good morning, Madam," bati nang iba.

"Good morning," malamig na ani ko at linampasan sila.

Walang secretary na sumalubong sa 'kin kaya baka absent. Nilagnat sa pagiging makati. Walang katok-katok ay binuksan ko ang pintuan ng office ni Diego.

"Diego, Mom is inviting u—"

Natigil ako sa pagsasalita nang makita kong nakayakap ang secretary ni Diego sa kaniya mula sa likod habang nagsusulat si Diego.

Napataas ang tingin nila sa 'kin at parang napapaso na lumayo agad ang babae sa kaniya. Napapikit ako ng mariin.

"Ma'am—"

"Get out and don't ever come back!" sigaw ko sa kaniya.

"Selena, lower your voice."

Puno ng hinanakit na humakbang ako palapit sa kanila. Hindi ko inakalang ganito talaga sila kalandi at katapang na rito pa sa office maglandian.

"I never though you are this cheap, Diego." Iling ko, pero wasak na ako sa loob. "Flirting inside your office, really? Okay lang sana kung wala kang asawa pero meron, Diego! Meron at ako 'yon! How dare you do this?" sigaw ko at hinampas ang mesa niya gamit ang buong lakas ko.

Masakit siya pero wala ng sasakit pa sa puso ko. I am just so thankful na walang luhang lumalabas ngayon sa mata ko. I don't want them to see me crying because of this. They're not worth it.

"Glenda, lumabas ka muna."

Akmang maglalakad na palabas si Glenda nang harangan ko siya.

"Where do you think you're going,  Ate?" Ipinagdiinan ko pa ang Ate para malaman niyang I once respected her as older than me.

Umawang ang labi niya at akmang lalampasan ako ng hawakan ko ang braso niya at itinulak ng bahagya. Napataas ang kilay ko ng direkta siya sa sahig na sumalampak.

"Selena!" sigaw agad ni Diego.

"Aray..." iyak agad no'ng babae.

Mabilis siyang tinulungan ni Diego. Sa sobrang bilis ay humihikbi na ang babae at nakayakap sa braso ni Diego.

"D-Diego, my knee. M-Masakit—"

"At mag-inarte ka pa sa harap ko at dadagdagan ko 'yan."

Tumalim ang titig ni Diego sa 'kin. I can see how eager he is to hurt me pero hindi niya magawa rito. Nagpipigil lang siya at aaminin kong natatakot ako sa kanya niyang gawin mamaya pagka-uwi namin.

"I am not acting. Masakit talaga. Sa lakas ng pagkakatulak mo sa 'kin. I even think this is fatal."

Napataas ang kilay at hindi napigilang matawa.

"Seriously, Glenda? Fatal?" Humalakhak ako. "Wala ka ngang galos dahil hindi naman kita tinulak ng malakas tapos fatal pa? Hoy, landi lang ba ang inaatupag mo at hindi mo alam ang meaning ng fatal?"

"D-Diego, she is insulting me..." iyak niya at mas lalong kumapit sa braso ni Diego.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Pagmulat ko ay direkta kay Diego ang matatalim kong tingin. Pagkatapos ay nilipat ko ito sa babaeng tinuturing kong kabita niya. Dahil kabit naman talaga siya.

"Kung insulto lang ang usapan, mas magaling ka doon. Kayong dalawa." Tinuro ko sila at tumawa ng walang buhay. " Sa nakita ko ngayon lang, sa tingin niyo hindi 'yon pang-iinsulto? I am the wife pero heto at ako ang naghahabol ng oras. I own the right pero heto at ako ang nagmumukhang kawawa. Now tell me that I am the one who's insulting you?"

"Selena, just go home."

"Oo at isasama kita." Lumapit ako sa kaniya at himablot siya palayo sa babae.

Malakas siya kaya ramdam kong nagpahablot lang rin siya sa 'kin. Dapat lang dahil msgkakagulo talaga lahat.

"D-Diego..." agad na tawag no'ng kabit.

"Just tell me if gusto mong sa kulungan manirahan ng isang taon, Glenda, dahil ipapasok kita roon. Isasama ko pa si Diego kung gusto mo. Doon kayo maglandian. Tingnan lang natin kung makapag-inarte ka pa roon. Doon na rin kayo bumuo ng pamilya para masaya." Ngisi ko at hinila si Diego.

Hanggang sa nakalabas kami ay hindi na sumunod si Glenda. Lahat ng empleyado ay nakatingin sa 'min, nagtataka kung bakit ko hinihila si Diego pero wala kaming pinansin ni-isa.

Pagdating namin sa kotse at sumakay ako sa kotse na dala ko. Si Diego ay itinulak ko papunta sa kotse niya.

"See you in my parents house," bilin ko at tuluyang sumakay.

Pinaandar kaagad ng driver ang kotse at pinatakbo. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng malayo na ako kay Diego.

"Ma'am, paano po kapag hindi sumunod si Sir?"

"Subukan lang niya," ani ko at umayos ng upo.

Pumikit muna ako para kumalma ang puso kong kanina pa sumasakit. Hindi ko matanggap na gano'n lang kadali sa kanila na saktan ako. Na pagtaksilan ako. How dare them.

Kung iniisip ni Glena na tapos na ako, hindi pa. Sinimulan niya ang laban na 'to, dapat handa siyang tapusin. Dahil hinding-hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya lumuluha sa sakit.

Kung sasaktan man nila ako ni Diego, sisiguraduhin kong hindi lang ako ang iiyak.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon