Kabanata 18

13.1K 318 19
                                    


Nangangatog ang tuhod ko na nakaupo sa tabi ni Diego. Kinakabahan ako ng malala. Magkakaharap kami nina Kuya Jake at Regie na nakaupo sa harap namin.

Ang nga tingin ni Diego sa kanila ang ikinakaba ko. Ang talim no'n na hindi ko alam kung bakit.

"So..." Tikhim ni Diego.

Tumikhim ako at umusog ng bahagya palayo kay Diego. Pero hinapit niya ulit ako dahil nakahawak siya sa bewang ko.

"Ano ba!" marahas na bulong ko.

Mula sa mga pinsan ko ay napunta sa akin ng dahan-dahan ang matatalim na tingin niya.

"Why are you with them?"

"Obviously because...she's our cousin."

Binalingan ko ng tingin si Regie. Nakita ko na pasimple siyang kinurot ni Kuya Jake sa pagsagot niya.

"So, pinsan niya pala kayo." Tango ni Diego.

"Yes. I am Regie Domino Craig. A hot, handsome, and attractive lawyer. 28 years of age. And I am the nicest creature in this beautiful world."

Napaawang ang bibig ko. Did he just bragged in front of my husband? Ngumisi lang si Diego at tumango.

"Ikaw naman, Jakey baby," ani ni Regie sa kapatid na tahimik lang.

"What?" inosenteng tanong nito at nilingon si Regie.

Napailing ako. He's not with us, I see. Lutang siya ngayon o naglu-lutang-lutangan lang?

"Magpakilala ka sa asawa para 'di ka pagselosan."

"Ah." Tumango si Kuya Jake at tumingin kay Diego. "Jake Domino Craig. 28. A police officer."

"True but he's not just a police. He has a high position—"

"Regie, shut it," asik ni Kuya.

Napataas sa ere ang kamay ni Regie na para bang sumusuko. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko maintindihan anong purpose nito.

Hinawi ko ang kamay ni Diego sa bewang ko at tumayo. Napatingin sila sa 'king tatlo.

"Akyat lang ako. Kuya, Regie, salamat sa paghatid. Text ko na lang kayo. Bye."

Naglakad na ako paalis sa harap nila at umakyat. Hindi ko talaga makita ang rason para magkagano'n silang tatlo. Si Diego naman hindi ko maintindihan, pinapasok niya ang dalawang pinsan ko para taliman ng tingin na mukhang may ginawa itong masama.

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Hindi na kami natuloy ni Diego sa office niya ngayon at nakakagulat na hindi nga siya pumunta no'ng wala ako. Akala ko pupunta na lang siya mag-isa.

Humiga ako sa kama at nakita ko nakatupi na ang dress ko kanina na initsa ni Diego. Napangiti ako dahil inalala rin pala niya. Louise Vuitton kaya 'yan, pambahay nga lang.

Habang nakahiga ay hindi ko mapigilang hindi isipin ang pagtatalo nina Kuya Jake at Regie kanina tungkol sa mga lies nila. Hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala o hindi. Hindi ko rin naman kasi sure kung may kinalaman ako roon.

Sa pag-iisip ay nakatulog ako at nagising na lamang ng may yumogyog sa balikat ko. Dahan-dahan akong napadilat at ang mukha ni Jenefe ang unang kong nakita.

"Madame, gising na po. Hinihintay ka na ni Sir Diego sa ibaba."

Napakunot ang noo ko. Kinusot ko ang nga mata ko at baka sakaling nananaginip ako pero kahit ilang ulit ko ng ginawa, ganoon pa rin.

"Madame, sige na po. Kanina pa po kasi naghihintay si Sir Diego. Baka galit na galit na po 'yon ngayon."

"Bakit niya ba kasi ako hinihintay? At saka inaantok pa ako," reklamo ko at bumangon.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon