Kabanata 43

13.3K 292 13
                                    


"Diego, if gusto mong lumabas, makakalabas ka naman. Huwag mo na akong dalhin. Pagod ako," reklamo ko habang naghahain ng pagkain sa mesa.

Narito kami sa condo ko. Three days na siyang nags-stay dito. Ayaw niya sa bahay niya dahil wala naman daw siyang kilala roon, mabiti pa raw dito dahil narito ako. Kilala niya. Asawa pa nga raw.

Hindi ko pa nakikita si Glenda simula no'ng nakauwi si Diego galing sa hospital. Gusto ko sana siyang kausapin at ipakikiusap na rito muna si Diego sa 'kin kahit hanggang sa makaalala lang pero hindi ko man lang nakita.

Wala rin akong oras para tanungin ang Mommy ni Diego dahil ayaw akong bitawan ni Diego. Bawat sabi ko naalis, nagbibihis rin siya kasi sasama. Ang nangyayari, pati pamilya ko at si Regie ay hindi ko pa nakakausap.

Diego became so clingy and possessive.

Hindi pa nga ako nakakapasok sa trabaho kahit noong lunes ang unang pasok ko. Nag-request na lang na baka pwedeng sa susunod na lunes na lang ulit. Buti at pumayag si Sir Xeus na siyang dean at may-ari ng school na pagtuturuan ko.

Yes, I am a teacher. Hindi ako natuloy sa pagl-law dahil nawalan ako ng gana after kami nagkahiwalay ni Diego noon.

"Pero gusto ko nga na kasama ka. Asawa kita kaya dapat magkasama tayo lagi."

"Hindi lahat ng mag-asawa ay magkasama lagi, Diego."

Hinarangan niya ang daanan ko at kinuha ang pagkaing dala ko. Siya na ang naglagay nito sa mesa. Pagkatapos ay bumalik siya sa 'kin at naglalambing na yumakap.

"Sige na, please... Labas na tayo."

Napangiwi ako. "Ayoko."

Hinalikan niya ako sa pisngi na naging dahilan para mapaigtad ako.

"Sige na please... Pumayag ka na."

"Hindi—"

Bago ko pa matapos ang salita ko ay hinalikan niya na ulit ako sa pisngi.

"Baby, come on. Kahit ngayon lang."

"No," matigas na ani ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa 'kin at nagdadabog na tumalikod.

"Hoy, sa'n punta mo? Kakain pa tayo!"

"Eat alone," walang emosyon ang boses niya.

"Diego!"

Hindi siya nakinig at tuloy-tuloy lang sa pagpasok sa kwarto. Napailing ako sa inis. Dalawang araw na siyang nakikiusap na lumabas kami pero ayoko. Ang slam ng tao ay hiwalay na kami, ano na lang ang sasabihin nila kapag nakitang magkasama ulit kami?

Hindi ko pa nakakausap si Glenda tungkol sa bagay na 'yon. May anak pa sila. Nag-guilty na ng ako dahil parang inilalayo ko kay Glenda ang asawa at ama ng anak niya.

Pagmamahal ng naman.

Iniligpit ko na lang ang mga pagkain. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Pagkatapos ay umupo ako sa sofa at humiga.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Ilang snadali pa ay nasa harapan ko na si Diego, hawak niya ang phone ko.

"May tunatawag na lalaki. Sabi niya pinsan mo raw siya. Regie raw ang pangalan. Talk to him," snob na aniya at ibinigay sa 'kin ang phone pagkatapos ay umalis rin agad.

Inirapan ko ang likuran niya. Kung kelan siya tumanda, saka naging matapuhin. Almost 33 na siya, umaakto pa ring bata.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon