Kabanata 51

10.9K 248 8
                                    

"I remember everything now, Selena."

Parang tumigil sa pag-inog ang buong mundo ko. I stopped breathing for a while.

Ito na ba ang katapusan ng lahat sa amin? Dito na ba natatapos ang kasiyahan ko?

"Kidding, wife." Tumawa siya.

Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya. Hindi ako nakagalaw kaagad at prinoseso pa sa utak ko ang naging reaksiyon ko.

I was scared. Really scared.

Gano'n ba ako katakot na mawala siya sa 'kin? Gano'n ba ako ka-selfish para ihiling na sana huwag na lang siyang makaalala.

Pumasok ako sa trabaho na lutang at walang ibang iniisip kundi ang nangyari kanina sa condo. I felt so guilty of all a sudden.

I love him but I cannot keep him, I know that. I am very aware of that.

Sa kalutangan ko ay hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng classroom. Kung hindi pa sila bumati lahat ay hindi pa ako magigising.

"Good morning rin." Ngumiti ako ng pilit sa kanila.

Inilinga ko ang paningin ko at napakunot ang noo ko ng makitang wala si Rachil.

"Where is Rachil?"

"Absent po, Ma'am. 'Di namin alam kung bakit."

Tiningnan ko si Albert pero umiwas siya ng tingin. Mukhang hindi pa yata sila nagkakaayos. May sarili akong problem, I shouldn't meddle with them.

Kahit lutang at wala sa tamang pag-iisip ay nagsimula na akong turuan sila. Mabuti at nakisama naman sila, mukhang alam na wala rin ako sa sarili.

"Any questions?" tanong ko pagkatapos ng discussion.

"No, Ma'am."

"Good. Class dismisses."

Mabilis silang nagsihiyawan. Ako naman ay kinuha ang bag ko at lumabas. Papunta na sana ako sa next section na pupuntahan ko nang bigla na lang msy humarang sa 'kin.

"Selena."

I looked at him and didn't accept his flower. Gano'n pa rin si Sir Xeus, gwapo. Pero ayoko nang ma-involve sa kaniya. I wanna have peace with Diego.

"Please accept this flower as proof of my sincerity in saying I am sorry for what happened last night."

"Bakit ka nags-sorry?"

"Because I felt guilty for forcing you to come with me. I should've known better. Sana hindi na kita pinilit kasi may asawa ka na. I am sure you fought last night because of me and I am so sorry. I won't justify my actions."

"Sir..." Huminga ako ng malalim. "It's okay. Pero gusto ko lang sabihin na sana huwag na po 'yon mauulit. Ayokong naga-assume pero alam ko po kung anong ibig sabihin ng ginagawa ninyo. Pero may asawa na po ako and no one can change that. Not even your feelings for me."

Namutla siya sa sinabi ko but I don't felt guilty. What I said was the right thing to say. It may be harsh but the truth is really harsh but it can be accepted. Only to those open. And I believe is one of those who can accept the truth.

"Excuse me po," wika ko at nilampasan siya.

Napalingon ako sa kaniya pagkarating ko sa ligar na medyo malayo sa kaniya. Nanlumo ako ng makitang nakatayo pa rin siya roon, nakayuko at bahagyang pinapalo sa hita niya ang bulaklak na hawak.

I am not guilty but I am hurt for him. Bakit kasi ako pa e ang daming ibang mas better sa 'kin. Mas mabait. 'Yong walang issue sa buhay. Sa 'kin pa talaga.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon