Kabanata 56

11.6K 232 9
                                    


Pagkagising ko kanibukasan ay nagsuka na naman ako. Ang hirap talaga magbuntis kaya nagtataka ako sa ibang mga ina na basta na lang binibigay, pinapaampon o iniiwan ang mga anak. Not that I am judging them pero mahirap kasi talaga magbuntis tapos gano'n lang.

"Are you okay?"

"Ay butiki!"

Nasapo ko ang ang dibdib ko sa gulat. Sinamaan ko ng tingin sa panggugulat niya sa 'kin. Akala mo nakakatuwa.

"Chill. I didn't do anything."

Inirapan ko siya at nagmumog.

"Tabi!" asik ko nang magharang siya sa pinto.

"Ito na." Humalakhak siya at tumabi.

Naiinis ako sa pagmumukha niya. Umupo ako sa kama at bumalik sa paghiga. Siya naman ay nakatayo lang roon at nanonood.

"Ano? Manonood kang matulog kami ng anak ko?"

"Would you allow me tho?"

Umirap ako. Hindi siya sinagot.

"Nawala ka lang ng isang buwan, pagbalik mo ang sungit-sungit mo na," komento niya.

"Baka pinanganak akong ganito?"

"Hm? I don't think so."

"You always don't think so, Diego. Shut up."

Humalakhak siya at pumunta sa kabilang side ng kama. Sa tabi ni Ceto.

"Can I lay beside my son?"

"Go on."

Ngumiti siya at tumabi sa anak. Doon kasi siya sa kabilang kwarto natulog. Tumagilid siya at hinaplos ang buhok ni Dio Ceto.

"Was he a good kid?"

"Hm." I nodded.

"Kumusta ang buhay niyo roon? Nahirapan ka ba? Kayo?"

Kumunot ang noo ko. "Akala ko kinuwento na ng anak mo ang lahat ng nangyari sa amin sa Korea?"

"Yes but not detailed. I want it detailed, Selena. I want to know my son and what you have been through in those years that I am not on your side."

"Well..."I paused and take a deep breath. " I...did suffer. A lot..."

"Sorry," kaagad na aniya. Sabi na, e.

"Kahit naman siguro ilang sorry ang gawin mo hindi na mababalik pa ang lahat. At saka hindi mo naman alam na buntis ako no'ng gabing ipinagtulakan mo 'ko palayo. Gano'n rin ako, wala akong alam no'n."

"Y-You w-were too young back then, Selena. You are just 18. How did you conquer all of those?"

Tumitig ako sa kaniya. Nag-init ang gilid ng mata pero ipinakita ko sa kaniya ang mga ito. Hindi ako umiwas. I showed him the pain I experienced before. And this tears are proofs of those pains.

"I-I almost got a miscarriage. I almost lost Ceto."

Umawang ang bibig niya pero walang lumabas na salita.

"I-I got into a car accident. I was 5 months pregnant with Ceto at that time."

"C-Car a-accident?"

Ngumiti ako ng bahagya. "Y-Yes. I-I also l-lost m-my..." Tumulo ang isang luha ko pero pinahid ko 'to kaagad. "I-I also m-my m-memory..."

Napasinghap siya habang ako ay tuluyan ng umiiyak. I remembered how I suffered a lot because of my amnesia. Good thing I have Aunt Linda who never left me and even took care of me until I got my memory back.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon