Kabanata 26

12.7K 335 6
                                    


Naghahanda na ako para matulog nang bumukas ang pinto at pumasok si Diego. Pasuray-suray ito, halatang lasing. Nag-inuman kasi kasama ang ama niya at Daddy ko. Nagkayayaan sila kanina, binantayan ko pa nga sila kanina kasi inaantok na ako kaya nauna na ako rito.

Sinalubong ko siya at hinawakan ang braso niya. Buti nakaayat pa 'to rito e patumba na siya.

"Uminom ka pa..." ani ko at inalalayan siya sa papunta sa kama.

Narinig ko ang mahina niyang tawa nang maihiga ko siya sa kama. Lasing na nga. Napailing ako at hinawakan ang dalawang paa niya at nilagay sa kama.

Akala ko ako ang kalalabas sa hospital at kailangang magpahinga? Bakit ngayon ako ang nag-aalalaga sa taong ito?

Nang matapos ko nang hubarin ang sapatos niya ay sinunod ko ang damit niyang pang-itaas. Napaiwas ako ng tingin ng tuluyan ko ng mahubad lahat.

Napabuga ako ng marahas na hininga. Kaya ayokong may lasing, e. Aside sa wala talaga akong alam paano sila asikasuhin, ayoko ring nakikita ang mga katawan nila kapag hinuhubaran ko.

Bumaba ako sa kama ng nakaiwas ng tingin. Kinuha ko sa bedside table ang cellphone ko at idinial ang number ni Mommy pero ring lang ng ring, walang sumasagot.

Si Regie naman ang tinawagan ko at nagpapasalamat ako ng sinagot nito ang tawag.

"Gie—"

"H-Hello, D-Des—sh?"

Napakunot ang ko nang mahimigang lasing rin siya. Magkasama ba silang naglasing? Sa pagkakaalam ko naman ay hindi?

"Magpahinga ka na. I didn't your drunk that's why I called. Sige na, magpahinga ka na." Pinatay ko ang tawag at ang number naman ni Kuya Jake ang idinial pero busy ang linya.

Malapit na mag-umaga at nasisiguro kong wala ng gising na mga maids ngayon. Humarap ako kay Diego na nakahiga sa kama pero napaigtad ako sa gulat ng makitang nakatitig 'to sa 'kin.

"D-Diego..."

"Who are you calling?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Lumapit ako sa kaniya at napipilitang napatingin sa katawan niya kasi kukunin ko ang kumot. Kinumutan ko siya hanggang sa leeg. Finally, wala na ring malaking katawang nakabalandara sa harap ko.

"Who are you calling?" pag-uulit niya.

"Si Regie lang. Sige na, magpahinga ka." Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.

"Regie? You mean your cousin?" 

Tumango ako. Kahit lasing, nakakapagtanong pa rin.

"You're not cheating, right?"

Napasinghap ako sa tanong niya. Tiningnan ko siya ng masama pero dahan-dahan ng pumikit ang mata niya.

Wala akong nagawa kundi palampasin ang tanong niya. Hinaplos ko na lang ulit ang buhok niya.

Nagtatanong siya kasi nagdududasiya.  Well, that's normal. Palalampasin ko 'yon ngayon. Wala akong al sa pag-aasikaso sa kaniya kaya humiga na lang ako sa tabi niya at hinayaan ang sarili na makatulog dahil sa antok.

Nagising ako ng may maramdaman akong yumakap sa 'kin mula sa likod. Napalingon ako at nakitang si Diego 'yon pero nakapikit pa rin. Napangiti ako at humarap sa kaniya at natulog ulit.


Nagising ako sa ikalawang pagkakataon nang tumatama na ang sikat ng araw sa mukha ko. Napadilat ako at napangiti ng may maramdaman akong nakayakap pa rin sa 'kin.

Nang bumaling ako sa katabi ko ay gising na rin pala ang asawa kong lasing.

"Good morning."

Napaiwas ako ng tingin ng marinig ko ang boses niya. Bakit ang deep at husky ng boses niya sa umaga? Nag-iinit ang mukha ko. Normal naman na gano'n ang boses niya pero mas maganda pala kapag bagong gising.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon