Kabanata 15

14.7K 395 58
                                    

"Diego, saan ba kasi tayo pupunta?"

"It's a secret, baby. Sumama ka na lang sa 'kin."

Napabuntong hininga ako. Diego's acting strange. Simula no'ng nakita niya akong umiyak sa kwarto ko ay hindi na niya nilubayan ang pagiging maalaga at sweet sa 'kin.

Naiilang ako dahil hindi naman ako sanay na gano'n ang trato niya sa 'kin. Minsan lang rin siya pumasok sa opisina para lang makasama ako sa bahay.

Tumigil ang sinasakyan namin sa harap ng isang malaking bahay.

"Where are we?" takang tanong ko at naunang lumabas.

Lumabas rin siya kaagad at lumapit sa 'kin para hapitin ako sa bewang.

"My cousin wants to meet you again."

"Again?" Napatingin ako sa kaniya.

Tumango siya. "Yeah. The one who has long hair on our wedding day."

Napakunot ang noo ko at inalala ang nangyari no'ng kasal at kung may nakilala ba akong pinsan niyang long haired.

"The one who told you not to po him." He chuckled.

"Geez. Do not po us, bata ka lang sa 'min pero hindi rin naman kami kasing tanda nang iniisip mo."

"Ah, naaalal—"

"Ah! Forget it. Ayokong isipin mo siya."

"Naaalala ko na ng—"

"No. You can't think about him. You should only think about me."

Napamaang ako. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya pero umiwas siya ng tingin at tumikhim. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiwas rin ng tingin.

Parang may kung ano sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Basta masaya ang aura ko ngayon, sure ako.

"I'm being cheesy! Geez. Let's go na nga lang," pag-iinarte niya at naglakad na.

Dahil nakahawak siya sa bewang ko ay nadadala ako.

"Dahan-dahan, Diego. Ang lalaki ng hakbang mo habang ang liit lang ng sa 'kin—"

"That's because ang liit mo rin," pangungutya niya sabay halakhak.

Mabilis na hinawi ko ang kamay niya sa bewang ko. Tumigil siya sa paglalakad at kumunot ang noo. Ngumuso ako at umatras lalo palayo sa kaniya.

"Maliit pala ako edi huwag mo akong hawakan at lapitan. Nakakahiya naman sa 'yo." Irap ko, napikon kaagad.

Kumunot lalo ang noo niya. Sumubok siyang humakbang pero umatras ako.

"Huwag kang lalapit sa 'kin. Maliit pala."

"Baby..."

"No. Uuwi na lang ako. Baka mapahiya ka pa sa pinsan mo sa liit ko. Dapat kasi si Glenda ang dinala mo rito kasi matangkad at saka maganda rin. Sexy na rin at hindi maliit."

Sumama ang tingin niya sa 'kin pero wala akong pakialam. Inirapan ko rin siya. Insecure na nga ako sa katawan at height ko, pinagdiinan pa.

Hindi niya kasi alam paano ang feeling ng maliit kasi ang tangkad niya at saka ang katawan niya, ang laki. Hindi katulad ko na nagmumukhang bata. Bata pa naman talaga ako pero 'yong height at katawan ko, mas bata tingnan kumpara sa ka ka-age ko. 

"Whoah. Are we having an LQ here?"

Sabay kaming napalingon sa lalaking malapit sa pinto. Napaawang ang bibig ko at biglang nawala ang inis ko kay Diego.

Ang gwapo ng lalaking nasa harapan ko. Hindi na siya long haired kaya mas na-feature ang mukha niya dahil malinis na tingnan. Ang gwapo lang niya sa green eyes niya at sa matangos niyang ilong.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon