Kabanata 33

11.1K 293 3
                                    


Mabilis akong nag-impake ng damit pagkauwi ko sa bahay ni Diego. Wala akong pakialam kahit ano pang sabihin ng iba. Nakatingin lang naman sa 'kin si Jenefe na parang nagtataka.

"Madame, bakit po kayo nag-iimpake? Aalis po ba kayo ni Sir Diego? Bakit hindi kayo magkasamang umuwi?"

"Ako lang ang aalis, Jenefe. Hindi kasama ang Sir Diego mo. I'm so done with him!"

"Madame..." Mukhang nawalan siya ng sasabihin.

Hindi ko dinala lahat ng damit hindi naman sa 'kin ang iba. Diego bought it for me. Natigil ako sandali nang marinig na tumunog ang phone ni Jenefe. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong napaawang ang bibig niya ng mabasa ang text.

"Bakit?" I asked her.

"A-Ah w-wala po. K-Kukuhanan po muna k-kita n-ng t-tubig..."

Natataranta siya kay nagtaka ako.

"Ano ba talaga 'yan, Jenefe? Are you lying to me?"

Napalunok siya at umiwas ng tingin. Akmang lalapit ako sa kaniya ng tumakbo siya palabas at sinarado ang pinto.

Naguluhan ako ng sobra sa inaakto ni Jenefe pero hinayaan ko na. Nag-impake ulit ako at tinapos ang lahat. Dala-dala ang bag ay lumapit ako sa pinto at bubuksan na sana ng ayaw itong mabuksan.

Sinubukan ko ulit pero ayaw niyang bumukas. Sinubukan ko ng ilang beses bago ko natanggap na I was locked. Naaalala ko ang inaakto ni Jenefe kanina at ang pagtakbo niya palabas. Ang pagsarado niya ng pinto. At nagsimula lahat 'yon ng may nag-text sa kaniya.

Napabalik ako sa kama. Puno ng galit ang puso ko para kay Diego. Pero pinipilit kong kumalma. Mas lalo lang akong nagalit ng makatanggap ako ng text sa kaniya.

Put your clothes back in your closet. I'll be home late so you'll be bored since you have no one to shout with. Sorry, baby. I just need to. Take care and just rest.

Naibato ko sa kama ang cellphone ko. Pagkatapos niya akong bastosin kanina? How dare that man! Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya. Ang kapal-kapal.

Imbis na ibalik sa closet ang mga damit ay initsa ko ang mga iyon sa sahig. Nagkalat lahat ng damit ko sa sahig. Bahala si Diego pag-uwi niya na magulo ang mahal niyang kwarto.

Pagkatapos kong guluhin ang nga damit ko ay humiga ako sa kama. Kung sisigaw ako, as if may tutulong. Lahat kakampi ni Diego, pati nga si Jenefe. Hindi ko rin sila masisisi, si Diego ang boss nila.

Kapag tinawagan ko si Regie ay magkakagulo lang ang lahat. Kung ang parents ko naman, as if may pakialam ang mga 'yon. Ipinagkalulo nga ako kay Diego no'n, e. Wala na akong ibang alam. Kuya Jake is far and even if he's here, I wont call him, after knowing his feelings for me, mas gugulo at lalala ang lahat.

Mas pinili ko na lang matulog at magpahinga kesa mag-overthink at intindihin ang galit ko sa mahal kong asawa na bastos.

Nagising ako nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto. Iminulat ko ang mata ko at nakita kong pumasok si Diego. Siguro kanina pa siya nakauwi dahil nakabihis na siya. May dala siyang pagkain sa kamay niya. Natuon sa 'kin ang paningin niya ng makitang nakatitig ako sa kaniya.

"Hey," bati niya na hindi ko sinuklian. "Come on, kumain ka muna bago ka matulog ulit. I cooked for you."

Hindi ako umimik pero hindi ako umupo para maghanda sa sinasabi niyang pagkain. Nang makalapit siya sa 'kin ay umupo siya sa kama at inilagay muna ang pagkain sa table sa gilid.

Napalingon ako sa orasan at alas dose na pala. Alas dose niya ako naisipang dalhan ng hapunan. Mukhang kakauwi lang rin niya.

"Sorry, I came home late. Pumunta ako sa office kanina kasi may problema raw buti at naagapan na. The employees are complaining about Glenda's rude attitude. Lahat raw sila sinusungitan at inaawa araw-araw."

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon