Kabanata 39

13.7K 326 34
                                    


"T-Tumayo k-ka, D-Die—"

"Today, you are back to Miss Selena Dess Craig..."

Nasapo ko ang bibig ko ng marinig ang sinabi niya. Unti-unting nabibiyak lalo ang puso ko.

"H-Hayaan na natin ang isa't-isa na mamuhay sa kaniya-kaniya nating mundo, Selena. I will let you go  now and I wont be involved in your life anymore. Hinding-hindi na kita papakialaman. Gano'n ka rin sa 'kin."

Ngayon lang yata ako magpapasalamat sa ulan na umulan siya habang nasa labas ako dahil tinatakoan niya ang luha sa mga mata ko.

"Simula ngayon, wala na tayong pakialamanan."

Napaatras ako. Hindi ko kaya ang sinasabi niya.

"H-Hindi.... Hindi totoo 'yan, Diego! N-Nagbibiro ka lang 'di ba?"

Nagtaas siya ng tingin sa 'kin at napaatras ako lalo. Umiling ako sa kaniya. No! Hindi 'to nangyayari! Hindi niya gagawin sa 'kin 'to! Hindi niya ito magagawa sa 'kin.

"Tell me you are lying!" sigaw ko, puno ng hinanakit.

"Tama na, Selena. Itigil na natin 't—"

"Diego, nagpahinga lang ako ng isang linggo dahil sa sakit na naibigay mo! I just rested! Hindi ko sinabing maghiwalay tayo! Naiintindihan mo ba 'yon?"

Napasabunot ako sa buhok ko at napasalampak ako sa sahig. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit na kahit yata barilin ako ngayon ay hindi ako masasaktan.

"Simula pa lang ay hindi naman talaga natin gusto ang isa't-isa, 'di ba? Noon pa lang, ayaw ko na sa 'yo dahil spoiled brat ka! Noon pa lang, ayaw ko na sa 'yo dahil sa ugali mong umaaktong bata! Noon pa man, hindi na kita gusto! S-Si...G-Glenda a-ang gusto ko!"

Napapikit ako at napayuko. Natahimik akong lumuluha. Pagod na pagod na ako kakaiyak. Pagod na pagod na ako sa lahat ng ito! Pagod na pagod na ako.

" I didn't liked you even a little, Selena. You just assume because I showed gou care. Well, ano pa nga bang aasahan ko sa isang batang katulad mo na walang sa mundo?"

I cried even more. Tatanggapin ko na lang lahat ng sasabihin niya. Niyakap ko ang sarili ko at patuliy na lumuluha ng tahimik.

"A-Ano p-pa, D-Diego? H-Hurt m-me m-more, p-please..." Napahagulgol ako lalo.

"Wala kang kwentang asawa, Selena! Hindi ka makikipanabangan! You are worthless!"

Tumango ako. Tinatanggap lahat-lahat ng masasakit na salita. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko at nagtatagis ang bagang na nakatingin sa 'kin.

"P-Pakiusap s-saktan m-mo p-pa a-ako," pakiusap ko na humagulgol.

" Wala kang halaga, Selena. Ang mga katulad mong bata ay dapat nasa bahay lang at hindi pinapalabas! You don't deserve to see the world outside!"

Pumikit ako ng mas mariin. Lahat ng sasabihin ay tatanggapin ko.

"M-May i-iba p-pa b-ba?"

"You're a whore!"

"M-May i-iba p-pa b-ba?"

"Alam mo ba kung bakit ka naikasal sa 'kin, Selena? Alam mo ba kung bakit sa lahat-lahat ng mayayamang lalaki ay ako ang napili ng mga magulang mo na pakasalan mo? Alam mo ba kung bakit gano'n na lang ang pagka-disgusto ko sa 'yo?"

Umiling ako, wala ng lakas para magsalita. Mas lalong lumalakas ang ulan na may kasama pang kulog. Ang kulog yata ang nagagalit at lumalaban para sa 'kin. Dahil wala na akong lakas.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon