Kabanata 5

16.1K 470 32
                                    


Gusto kong magwala. Gustong-gusto kong umiyak ngayon sa sakit.  Hindi ko aakalaing kayang magawa sa 'kin 'to ng mga magulang ko para lang sa partnership.

"Get a grip and smile like it is okay to you. We have no choice." Bulong ni Diego.

Napapikit ako ng mariin. Sobrang sakit na kaya kang biguin nang magulang mo pero kung kaya nila akong biguin, kabaliktaran naman ako.

Mahal ko sila. Hindi ko sila kayang biguin. Hindi ko sila bibiguin kahit ang sakit-sakit. Hindi ko sila bibiguin kahit kapalit nito ang kalayaan at kasiyahan ko. Kahit kapalit nito ay ang mga pangarap ko.

Ibinuka ko ang mga mata ko at ngumiti ng malaki.

"That's more better." Bulong ulit niya.

Hindi ko siya pinansin at ngumiti na lang ng malaki sa mga tao.

"When's the wedding?" may isang sumigaw from the crowd.

Sana hindi ngayon. Sana 'wag naman agad-agad. Sana matagal pa. Sana pagkatapos ko na mag-aral.

"Tomorrow."

Natulala ako sa sagot ni Daddy. Kung kanina masakit lang ang puso ko ngayon hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha nang lakas.

"Yes. That's true. I and my beloved fiancè will be married tomorrow. Amazing isn't it?" gatong naman ni Diego.

Pumalakpak ang lahat at kaniya-kaniya ang sinasabing positibong bagay tungkol sa kasal na magaganap bukas. Positibo man 'yon ay hindi ko magawang maging masaya dahil ang lahat ng nangyayari ngayon ay negatibo para sa akin.

Tinanggal ni Diego ang kamay ko sa braso niya at humarap sa 'kin at hinawakan niya aulit ang kamay ko para mapaharap talaga ako sa kaniya. Kahit naka 7 inches heels ako nakataas pa rin ako ng tingin sa kaniya dahil sa tangkad niya.

"Are you excited to marry me,  love?"

Naghiwayan ang mga tao sa tanong niya gamit ang masuyo niyang boses at ang ngiti niyang ngayon ko lang nakita.

Gustohin ko mang umiling ay wala akong nagawa dahil nang malingunan ko ang mga magulang ko ay nakangiti rin silang nakatingin sa 'min.

Peke na ngumiti ako kay Diego at tumango. Ngumiti rin si Diego at inilapit ang mukha sa 'kin. Nanlaki ang mata ko at kumalabog nang mabilis ang puso ko.

"A-Anong gagawin mo?" kinakabahang bulong na tanong ko sa kaniya.

Naghiwayan muli ang mga tao na akala mo'y nasa sinehan sila at kami ang mga gumaganap na bida.

Mas lumapit pa ang mukha niya at napapikit na lang ako. Nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko ay napamulat ako.

"Bukas na ang sa labi." Bulong niya at humarap ulit sa mga taong nakangisi na ngayon.

Pilit akong ngumiti sa mga tao. Bumaba na kami ni Diego. Sinalubong kami ng mga tao at kinamayan bilang pag congrats sa amin. Lahat sila kinamayan ko at nginitian pero sa loob-loob ko, gusto ko nang tumakbo papalayo rito.

Ang last na lumapit sa amin ay ang mga magulang namin. Yumakap sa 'kin ang mga magulang ni Diego. Alam kong sila ang mga magulang ni Diego dahil minsan ko na silang nakita at nakilala noon. Hindi ko naman inakalang makikita ko sila ulit at sa ganitong sitwasyon pa.

"Welcome to our family, hija." Ngiti ng Mommy ni Diego.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. Sumunod ang Daddy ni Diego na ang laki ng ngiti.

"Now, our business is rooted down to its deepest hole. No one can ruin it even if they tried to," aniya at niyakap ako.

Oo. At kapalit no'n ay ang kalayaan namin ni Diego. Hindi ko lang kalayaan ang nakasalalay dito kundi pati na rin ang kay Diego. He's stocked with this, too.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon