Kabanata 52

11.5K 276 11
                                    


Regie and Jenefe came home already. At may pa-party sa bahay nila dahil may balita raw. Hindi ko alam ano, basta tinawagan na lang ako ni Regie na nakauwi na sila at may party kasi may balita.

I wore a simple tube dress and Diego's also just wearing a v-neck white plain shirt and faded jeans. Of course, with his watch.

"Sa tingin mo, anong balita ang sasabihin nila ni Regie ngayon na kailangan pa magp-party?" tanong ko kay Diego habang nagd-drive siya.

Seven ang party at malapit na mag-seven. Alam kong aabot kami.

" I don't know," nagkibit balikat siya. "Maybe about their engagement? To formally announce that they are getting married?"

Napaisip ako. May punto siya. Baka nga.

"How 'bout us, wife? Have we held a party before to announce our engagement?"

Natigilan ako sa tanong niya. Napatingin ako sa kaniya pero nasa daan ang paningin niya. Nagtatanong lang siya ng normal pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Y-Yes." Ngumiti ako ng pilit.

Totoo naman. The night of my debut, my parents and his announced about our so-called engagement. Peke nga lang pala. Nakakatawa.

"Good then. Akala ko hindi. I was about to feel bad for not throwing a party to announce that I'll be marrying the most amazing woman I've ever met."

Nagpipigil ng ngiti na umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang tainga at buong mukha ko.

Pagkarating namin sa bahay nina Regie kung saan gaganapin ang party ay sinalubong kami ng dalawa kong pamangkin. Nagpakarga si Giene kay Diego, sa 'kin naman si Jacob.

Napapansin ko na mas napapalapit si Giene kay Diego at kung papipiliin 'yan, alam kong si Diego ang pipiliin niyan. Gano'n rin si Jacob, napapalapit na rin kay Diego pero alam ko na sa 'kin kung papipiliin man. Kaya nga ako ang may hawak sa kaniya ngayon.

Sa laki ng bahay nina Regie ay sa labas ang celebration. Sa malaking front yard nila. Napakalaki naman kasi talaga ng bahay nila. Parang matatayuan pa ng isang bahay sa harap.

Sinalubong ako ng malaking ngiti ni Jenefe. Halatang-halata ang saya dahil fresh na fresh.

"Hi, Selena."

"Well, hello there. Kamusta ang Palawan?" Ngisi ko.

Ngumuso siya at itinaas ang kamay niya. "Ito, engage na talaga." Humalakhak siya pagkatapos.

Napairap ako at napasimangot. Nawala rin ang pagkasimangot ko ng pumulupot agad ang kamay ni Diego sa bewang ko.

"Hi, Diego," bati ni Jenefe sa asawa ko.

"Hey," parang awkward pa na bati ng asawa ko.

May amnesia nga pala ang asawa ko. Nakalimutan ko.

"Ang bilis mo naman,"wika ko. Doon pa kasi siya kay Kuya Jake at Regie kanina kasi tinawag siya.

"I don't wanna be there. Wala ka kasi roon."

Ngumisi kaagad si Jenefe at umiling. Napaiwas tuloy ako ng tingin, nag-iinit ang mukha ko.

"Maiwan ko nga muna kayo. Saka na tayo mag-usap, Selena."

Tumango ako. Pagtalikod ni Jenefe, agad namang napunta si Diego sa likuran ko at yumakap.

"We're in a public place, Diego," bulong ko at hinawi ang kamay niya sa katawan ko.

"Hm?" ani niya na hinihigpitan ang hawak sa 'kin.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon