Kabanata 24

12.9K 307 6
                                    


"Mr. Craig, I think you need to calm down. My son is maybe just very busy," pagtatanggol rin ni Mrs. Vargax sa anak.

Nakikita ko ring napapalunok siya. Si Daddy at Mommy at panay lang iling. Hindi nagugustuhan ang nangyayari. Maging ako ay hindi ito nagugustuhan. Nagagalit na rin ako.

"No one is busy if their loved ones is at stake. O baka naman wala talagang pakialam ang anak ninyo sa pinsan ko?"

"Regie!" sigaw ni Daddy.

Napailing si Regie at marahas na naglakad palabas ng kwarto. Nakita kong sinundan kaagad siya ni Jenefe. Napailing ako at napayuko na lamang. Nasa sa akin ang mga paningin nila. Nang-aakusa at nagdududa.

"Selena, ano bang sinabi mo kay Regie at bakit gano'n na lang iyon makaasta? Are you pushing him to annul your marriage with Diego dahil alam mong may kakayahan siyang gawin iyon because of his connections and profession?"

"Mommy, no," agad na sagot ko na nagtaas na ng tingin. "Why would I do that?"

"Then why is he acting like that?"

"Maybe because he sees that Diego is no good for our Selena. I agree with him, tho. Kapag nagpatuloy si Mr. Vargax na parang walang pakialam kay Selena ay gagamitin ko rin ang koneksiyon ko, mapa wlaang bisa lang ang kasal nilang dalawa."

Napaawang ang bibig ng parents ko at ni Diego. Even Diego's Dad is shocked. Maging ako ay gulat rin. Hindi ko alam na may plano pala silang gano'n.

"W-We...w-we should go home..." ani ko at naglakad papunta sa bag ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi naman ganito ka-protective ang mga pinsan ko rati pero bakit naging over protective sila ngayon? Hindi naman iyon masama, ayoko lang magkagulo kaming lahat dahil sa ugali nilang iyon.

Kinuha ni Kuya Jake ang bag ko maging ang ibang gamit na nasa loob ng kwarto. Nauna siyang lumabas. Sumunod ako dahil kapag nagtagal pa kami rito ay hindi ko na alam kung saan kami hahantong.

Nakasunod lang ako kay Kuya Jake hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Kay Regie ka sasabay dahil sasabay raw sa 'kin si Jenefe."

Tumango ako sa sinabi niya at pumunta sa kotse ni Regie na hindi naman kalayuan. Nakasandal siya roon at parang wala pa rin sa mood. Si Jenefe naman ay nasa gilid lang niya, nakayuko.

"Sabay raw ako sa 'yo," ani ko.

"I know. Sige na, Jenefe, pumunta ka na sa kapatid ko." Ngumisi siya kay Jenefe bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Tumango si Jenefe at tumakbo papunta kay Kuya Jake. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanila ni Kuya Jake. Pinagbuksan siya nito ng pinto bago sumakay si Kuya Jake at pinaharurot ang sasakyan.

"Dess, come on. Kanina pa nakabukas 'to, oh."

Pumasok na lang rin ako sa nakabukas na pinto pagkatapos ay si Regie naman. Nag-seat belt siya at siya na rin ang nag-seat belt sa 'kin. I wonder kung ganito rin ang ginawa ni Kuya Jake kay Jenefe kasi kung oo, aba ay iba na 'yon. Kung kami ni Regie ay okay lang dahil magpinsan naman kami pero kay Kuya Jake at Jenefe? I doubt.

"Uuwi na tayo sa inyo, Dess. Ready ka na ba?"

Tumango ako. Tumango rin siya at pinatakbo ang sasakyan. Wala kaming imikan sa kotse habang pauwi. Ayoko rin muna siyang kausapin dahil baka galit pa siya.

Pagkarating sa bahay ay pinagbukas niya ako ng pinto. Nagpasalamat ako.

"We're here again." Umiling siya at inalalayan ako papasok.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon