Kabanata 29

12K 327 27
                                    


Mabilis lang kaming nagpa-enroll ni Jenefe. Si Kuya Jake ang naghatid sa 'min kanina dahil sa office ang punta ni Diego. Si Regie naman ay nagtampo yata sa 'kin at umuwi ng diretso. Na-guilty ako, lagi na lang, pero hindi lang naman kasi talaga siya ang pagsasabihan ko pati rin si Diego.

"Ano? Uuwi na tayo diretso, madame?"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya kaya tumigil rin siya.

"Huwag mo 'kong tawaging madame sa public places, Jenefe, baka sabihin nila alipin kit—"

"Bakit hindi ba, madame?"

"What?" gulat na tanong ko. "Hindi kita alipin, ano ka ba. Maid ka ni Diego kaya maid rin kita pero hindi naman alipin ang ibang tawag sa maid at saka para rin naman sa 'yo 'to kaya pinagbabawalan kita na tawagin ako ng gano'n..." Iginala ko ang paningin ko sa eskwelahan kung nasaan kami.

Mapaghahalataang lahat mayaman kasi naka-kotse lahat papasok. Kami lang yata ni Jenefe ang naglalakad papasok, may lakas pa kasi si Kuya Jake at babalikan rin daw kami mamaya. Pero 'yon nga, halatang mayaman lahat.

"Paanong naging para sa 'kin, madame?" bulong na tanong niya.

"Kita mo naman na halatang mayaman lahat, gusto mo bang tuksuhin ka nila? Kasi kung gusto mo, ako ayoko. Ayokong tuksuhin at alipustahin ka nila kapag nalaman nila. Sure, being a maid is descent job but we all know people. Hindi man lahat pero may mangilan-ngilan na tatapakan ka talaga."

"Paano niyo nasabi, madame? Naging yaya ba kayo dati?"

Natawa ako at malakas na pinalo si Jenefe. Tumawa rin naman siya.

"Pero salamat, madame, ha? Sa totoo lang po, naiilang rin ako na tawagin kang madame sa open na lugar kasi gaya nga po ng sabi niyo pero trabaho ko, e. But since you already told me, it would be my pleasure." Ngumisi siya.

Napangiti ako. Halatang matalino si Jenefe. Palaban rin at kung aalipustahin man siya ay kayang-kaya niya 'yon dahil nakaya nga niya akong awayin no'ng first meet namin pero siyempre, mas okay 'yong walang gulo.

Tumambay muna kami ni Jenefe sa isang milktea-han dahil wala pa si Kuya Jake. May inaasikaso yatang marami. Naka-order na nga kami ni Jenefe ng dalawang milk tea at pizza pero wala pa rin.

Naghintay lang hanggang sa lumipas ang dalawang oras at wala pa rin. Naiinip na si Jenefe at halata ang inis sa mukha.

"Pwede po bang katayin ang pinsan niyo mamaya, mada—este Selena—-e-este pwede ka bang tawaging Selena?"

Natawa ako sa inasta niya. Halatang hindi sanay. Tumango ako sa tango niya. Mas matanda pa rin naman siya sa 'kin.

"So 'yon na nga, Selena, pwede bang katayin siya? Nakakairita kasi wala pa. Naiinip na ako. May trabaho pa ako sa bahay."

"I-text mo." Ngisi ko.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Mabilis niyang inilapag ang phone niya sa table at napainom ng milk tea ng wala sa oras. Napahalakhak ako. Halata siya masyado. Akala niya siguro hindi ko napapansin na kanina pa siya nakabusangot na text ng text.

Sinabi ko lang 'yon para alam niya na alam ko na tinetext niya si Kuya Jake. Taray. Text mate pala ang dalawang 'to. Mukhang may hindi ako alam.

"Ayan na," anunsiyo ko ng makita ang kotse ni Kuya Jake sa labas.

Mabilis siyang tumayo at diretsong naglakad palabas. Napatawa ako ng iwanan niya ako sa loob para talaga salubungin ang pinsan ko.

"Bakit ang tagal mo, Sir Ja—"

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon