BE MY LAST

21 17 10
                                    

WCP1

   "Khlea, tara na mag-eensayo pa tayo. Para gumaling kang sumayaw." Tawag sa akin ni kuya mula sa baba.

   "Opo, pababa na!" Malakas na sagot ko, kasabay ng pagtayo ko't pagpasada sa kabuuan ko sa salamin na naroon. Para sa ganoon ay masuri ko kung nababagay ba sa akin ang suot kong bistida. Na mismong bigay ni kuya.

   Nang makuntento na ako'y kaagad na akong bumaba. Kaya naman ay kaagad kong nasilayan si kuya, nakatayo ito malapit sa baba ng hagdan. Habang ang mukha nito'y may nakapintang isang sinserong ngiti.

   "Ang ganda talaga ng kapatid ko." nakangiting papuri ni kuya, kasabay ng paggulo nito sa buhok ko na parang bata. Tsaka ako nito inalalayan nang lalagpasan ko na ang huling parte ng hagdan.

   "Nasa lahi na natin iyon kuya." Nakangiting tugon ko rito.

   "Iyan ba yung binigay kong bistida?" Kapagkuway tanong nito, nang pasadahan nito ng tingin ang suot ko. Dahilan para kaagad akong tumango.

   "Maganda ba?" Tanong ko rito, kasabay ng pag-ikot ko sa harapan nito. Habang hawak ang magkabilang  gilid ng dilaw na bistidang ito.

   "Well, I'm the one who gave you that dress. So yeah, maganda." Tugon nito, at iyon ang naging hudyat ko para humarap dito.

   Tsaka ilagay ang kamay ko sa magkabilang balikat nito. Rason para matawa ito saglit, kasunod ng pagplay nito sa musikang i-eensayo namin. Matapos iyon ay kaagad niyang inilagay ang kamay nito sa bewang ko't sinimulan na naming sumayaw. Habang nakatingin sa mata ng isa't-isa.

   Ilang beses kaming nag-ensayo bago namin napagpasiyahang maupo at magpahinga muna. Magkatabi kaming nakaupo ni kuya khleo, sa isang puting sofa na nasa sala. Maya-maya pa'y may iniabot ito sa aking panyo.

   "Aanhin ko ito? Papalabhan mo ba?" Tanong ko rito, matapos kong makuha iyon.

   Tumawa muna ito saglit, bago nito muling kinuha ang panyo. Tsaka niya iyon ibinuklat at ipinakita ang mga salitang nakaburda sa kanang ibaba ng panyo.

   "Be my last?" Patanong na basa ko roon, kasabay niyon ang pagbaling ko ng tingin dito.

   "Be my last dance." Pangungumpleto nito, kasunod niyon ay ang pagyakap nito sa akin ng mahigpit matapos kong natatawang tumango. Kasabay niyon ang pagsabi nito ng "Mahal kita."

   Hindi ko namalayang kanina pa pala ako umiiyak, habang pinagmamasdan  ang lugar na kung saan kami laging nag-ensayo ni kuya. Kasunod niyon ay kinuha ko ang panyong ibinigay nito sa akin matapos ng ensayong iyon.

   Ensayong hindi ko alam na iyon na pala ang huli. Huli kong makakasama ang isa sa mga lalaking importante sa buhay ko. Iyon ay si kuya khleo, na hindi ko alam na matagal na pa lang may iniindang sakit. Tsaka noong gabing din iyon, natupad ang kahilingan nito.

   Kahilingang maisayaw ang babaeng mahal nito sa huling yugto ng buhay nito.

   Bago ilibing noon si kuya khleo. Doon ko nalaman na hindi ko ito tunay na kapatid. Dahil anak ako ng kaibigan ng itinuturing kong ama noong hindi ko pa alam. Nalaman ko iyon, sa pamamagitan ng sulat ni khleo. Na inilagay niya mismo sa kahon ng kuwintas. Na dapat niyang ibigay sa babaeng pagtatapatan niyang mahal niya ito.

   Sa ilang taon naming magkasama ni khleo'y hindi ako nagkaroon ng hinuha sa nararamdaman nito. Siguro ay sadya itong magaling magtago o hindi naman kaya'y, hindi ko lang napapansin. Dahil ang isip ko'y hindi nag-iisip na may malisya sa mga ipinapakita nito, sapagkat kapatid ko ito.

   Hindi rin ako nagkaroon ng hinuha na ako ang babaeng tinutukoy niya. Babaeng pagtatapatan niyang mahal niya, hindi bilang kapatid. Hindi bilang kamag-anak. Hindi rin bilang kaibigan.

   Kundi bilang isang babaeng iniibig niyang totoo.

******

"Clock is ticking, if you have still time. To confess your feelings for someone. Don't waste it and don't hesitate. Because when the tadhana plays, you can't be sure that in that person's heart, you can still have a place."

                                                -Khleo

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now