TRUST CAN KILL YOU

18 16 2
                                    

WCP9

   "Lhyne the expert." Basa ko sa karatulang nakadikit sa itaas nitong pwesto ng sinasabi nilang eksperto sa mga bagay-bagay. Huminga muna ako ng malalim bago ko inihakbang ang aking paa papasok.

   Habang naglalakad ako papasok, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba dulot ng mga disenyong nakaukit sa mga pader nito.

   "Kaya mo ito Vhaline para ito sa anak mo." Pagpapalakas ko sa aking loob. Tsaka ko ipinagpatuloy ang paghakbang ko papasok.

   "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Isang tinig na mas nagpakaba sa akin dahil sa kawirduhang boses nito.

   "Gu-gusto ko lang pong h-humingi ng payo." Utal kong sambit.

   Pagkatapos nito'y nakarinig ako ng hakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Tsaka biglang may humawak sa kanang kamay ko. Dahilan para mas lalo akong kabahan.

   "Halika, maupo ka rito." Rinig kong sabi nito, tsaka niya ako inalalayang umupo sa sinasabi niyang silya.

   Pilit kong inaaninag ang mukha nito, pero hindi ko magawa sapagkat isang kandila lamang ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ito.

   "Ganito po ba talaga kadilim dito?" Hindi ko napigilang magtanong, pagkatapos akong ipaupo nito sa isang silya. Pero sa halip na sagutin ako nito, ay hinawakan nito ang dalawang kamay ko.

   "Ikaw si Vhaline tama ba?" Tanong nito, kaya kaagad akong tumango.

   "Gusto mong mabuhay ang paborito mong anak na matagal ng patay, hindi ba?" Bahagya akong nagtaka sa tanong nito, sapagkat hindi pa naman patay ang paborito kong anak. Sadyang may sakit lang ito.

   "Nagkakamali po kayo, hindi pa po patay ang paborito kong anak." Pilit kong sabi sa paraang nagbibiro.

   Datapuwat, isang kandila lamang ang nagsisilbing ilaw. Naaninag ko ang ngisi nito, dahilan para makaramdam ako ng matinding takot. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin, bago ito muling magsalita.

   "Dugo!!" nakakasindak na sabi nito.

   "Aanhin ko po ang dugo?" Naguguluhang turan ko.

   "Dugo! Dugo ang kailangan mo para mabuhay ang anak mo!" Wirdong sabi nito.

   "Anong klaseng dugo po ang kailangan, dugo po ba ng hayop?!" Naguguluhang turan ko.

   Mas tumindi ang takot ko nang maramdaman ko ang paglapit nito sa akin. Hanggang sa may binulong ito, na mas lalong nagpatindig ng balahibo ko.

   "Si-si-gurado po kayo?" Utal kong sambit. Tsaka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.

   "Kung gusto mong mabuhay si khiel, kailangan mo itong gawin." Sabi nito sa paraang nanghihipnotismo.

   Nasa daan na ako pabalik sa aming bahay, at hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi nito kanina. Makalipas ang ilang minuto'y nakarating na ako sa aming tahanan, at kaagad akong sinalubong nina lhienne at Vhienne. Yung dalawa kong kambal. Niyakap ako ng mga ito pero hindi ko tinugunan. Sa halip ay kaagad akong humiwalay.

   "Nasaan ang Kuya Khiel ninyo? Kinain ba niya yung inihanda ko kanina?" Tanong ko sa mga ito, pero tanging iling lang ang isinagot ng mga ito. Dahilan para mag-init ang ulo ko.

   "Wala talaga kayong mga kwenta!!" Sigaw ko sa mga ito't nakita ang paghikbi ni lhienne.

   "Anong iniiyak-iyak mo riyan!" Sigaw ko rito, pero sa halip na sagutin ako nito'y niyakap ako.

   "Nay, matagal na pong wala si Kuya Khiel. Tanggapin niyo na po inay!" Sambit nito.

    Napakabastos ng batang ito, pinapatay ang taong buhay. Dahil sa galit ko'y napagbuhatan ko sila ng kamay.

  "Patayin mo ang kambal mo at ang dugo nila ang magpapabuhay kay Khiel." Umulit sa pandinig ko ang bulong ng ekspertong nakausap ko kanina.

  "Patayin mo sila!!!!" Mga tinig na naririnig ko, dahilan para kunin ko ang kutsilyong nakalagay sa lamesa.

   "Nay, huwag mo po kaming patayin." Pagmamakaawa ng kambal sa akin at kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha nila. Dahilan para maibaba ang kutsilyong hawak ko. Tsaka sila niyakap.

  "Kung gusto mong mabuhay si khiel, kailangan mo itong gawin!" Anang tinig na hindi ko alam kung saan nagmumula.

   "Patawarin ninyo ang inay." Naluluhang sambit ko. Tsaka kaagad na itinarak ang kutsilyong hawak ko sa kanila ng tig-sampung beses, dahilan para pareho silang malagutan ng hininga.

   Tsaka ako pumunta kaagad sa isang silid, na kung saan naroon ang paborito kong anak na si khiel.

   "Khiel, nandito na si nanay." Masayang sambit ko palapit sa nakahiga niyang katawan. Kaagad ko itong niyakap at ilang saglit pa'y ganoon na lamang ang bigla ko, ng mapansin kong wala itong kibo at tila hindi na ito humihinga.

   "Khiel! Khiel! Anak gumising ka!" Umiiyak na sigaw ko, habang yakap ito.

   Ilang saglit pa'y may tinig na umulit sa aking isipan.

   "Time of death, 11:32 pm." Iyon ang mga panahon na namatay ito dahil sa hindi malamang sakit na kumapit dito. Kaagad akong tumayo, at hinanap ang kambal ko.
 
    "Lhienne! Vhienne! Kambal asan na kayo!!" Sigaw ko sa kabahayan.

   Pagdating ko sa kusina ay tumambad sa akin ang wala ng buhay na katawan ng mga ito. Doon lang ako nabalik sa wisyo, na ako mismo ang pumatay sa kanila, sa kagustuhang mabuhay ang anak kong matagal ng patay. Umiiyak ko silang niyakap kasabay nito ang pagsisisi ko.

   "Sana'y di magmaliw ang dati kong araw..Nang munti pang bata sa piling ni nanay~" Umiiyak na kanta ko habang yakap pa rin ang mga ito.

    "Nais kong maulit ang awit..." Hindi ko natuloy na kantahin ito, dahil sa may bigla akong naramdamang matulis na bagay na tumarak sa aking likuran. Ilang saglit pa'y unti-unti ko ng nararamdaman ang pagkahilo at panlalabo ng paningin ko, dahilan para bumagsak ako at mabitawan ang kambal ko.

    "Mga hangal! Sa wakas sa akin na rin ang mga katawan ninyo!!" Sabi ng isang pamilyar na wirdong boses. Kasunod ng nakakatakot nitong pagtawa na parang demonyo.

  Kahit nanlalabo na ang mga paningin ko'y nagawa ko paring makilatis ang pigura ng taong kaharap ko ngayon. Iyon ay ang ekspertong nakausap ko kanina na mismong hiningan ko ng payo. Naramdaman kong muli nitong itinarak ang hawak nito sa mismong parte ng puso ko, dahilan para malagutan na ako ng hininga.

******A COLLABORATED PIECE BEFORE WITH AETRYL HARVIS.

   "Mahirap ang magbulag-bulagan gamit ang kasinungalingan. Kahit nasa harapan mo na ang mapait na katotohanan."

                                                -Vhaline

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now