UNDER THE MOONLIGHT

18 16 7
                                    

WCP3

   "Mahal na mahal kita Dhenia, no one can measure how happy I am." Nakangiting sambit ni dheinard. Kasintahan ko dati, na ngayon ay asawa ko na.

   "Mahal na mahal din kita." Nakangiting sagot ko habang nakatitig sa mata nito. Kasunod niyon ay ang paghapit nito sa bewang ko palapit sa kaniya't ang paglapat ng malambot nitong labi sa labi ko. Habang ako naman ay isinampay ang dalawang kamay ko sa balikat nito.

   Halik na puno ng pagmamahalan. Halik na ang nakasaksi lamang ay ang buwan at ang mga bituin. Tila ang liwanag ng buwan ang isa pang naging dahilan, para mas lalong maging romantiko ang pagkakataon na ito.

   Tumagal pa ng ilang minuto ang pangyayaring iyon. Kasabay ng pagbitaw ng mga labi namin ay nanatili pa rin ang posisyon namin. Nang biglang makarinig ako ng putok ng baril. Kasabay ng paglinga ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa kaba.

   Iyon ang naging dahilan upang maaninag ko ang isang pamilyar na pigura na nakatago sa likod ng isang puno. Hahabulin ko sana ito, nang maramdaman ko ang pagkalas ni dheinard sa akin. Doon ko napagtanto na ang lalaking mahal ko ang natamaan ng baril na iyon.

   Ipinatong ko ang ulo nito sa hita ko. Wala na akong pakialam kung malagyan ng bahid ng dugo ang puting trahe de bodang suot ko kanina sa kasal namin. Niyakap ko siya kaagad, kasabay nang pagbuhos ng luha ko.

   Dahil parang kanina lang nabubuo na sa isipan ko ang mga araw na magkakasama kaming dalawa. Ngunit ngayon ay hawak ko na ito at pareho na kaming may mantiya ng dugo sa suot naming dalawa.

   Kasabay ng huling pagpikit ng lalaking mahal ko ay ang naramdaman kong tumama sa tagiliran ko. Nang hawakan ko iyon ay may bahid ng dugong makikita sa kamay ko. Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko.

   Kahit hirap ay nakayanan ko pa ring dampian ng halik ang labi ng lalaking mahal ko, sa huling pagkakataon. Maya-maya pa'y natumba na ako sa kinalalagyan naming dalawa. Nakahiga ang wala ng buhay na lalaking mahal ko sa dalawang hita ko, samantalang ako naman ay unti-unti na ring nababawian ng buhay. Habang nakahandusay sa kinalalagyan namin. 

   Maya-maya pa'y lumapit sa amin ang taong naging dahilan ng lahat ng ito. Muli ako nitong binaril sa banda ng puso ko at ganoon na rin ang lalaking mahal ko. Dahilan para mas lalo na akong mahirapan pang huminga.

   Bago tuluyang sumara ang mata ko'y nakita ko ang kuntentong ngiti ng taong may gawa nito. Na kung akala mo'y hindi kailanman makakaramdam ng pagsisisi. Sa ginawa nito ngayon.

******

"The day that we promised to each other, that both of us will live together for forever is the day that we die. Under the moonlight."

                                              -Dheinard

"To have a happy ending with you became a reality. But I didn't expect that it will only for a quick bliss."

                                             -Dhenia

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now