TEARDROPS OF RAIN

18 16 2
                                    

WCP5

   "Rain, rain go away
    Come again another day
    Little Khaylie wants to play
    Rain, rain go away~"

   Hindi ko napigilang maiyak dahil sa sobrang takot ko. Narinig ko na naman kasi ang palaging kinakanta ng baliw kong pinsan tuwing uulan ng malakas.

   "Shit!" gulat na sigaw ko nang pinalo nito ng malakas ang katabing lamesa ng pinagtataguan kong aparador. Iyon ang dahilan para kaagad kong umiiyak na tinakpan ang bibig ko.

   Mas tumindi nga lang ang takot ko nang makita't maramdaman kong unti-unti ng binubuksan ng baliw kong pinsan ang aparador na pinagtataguan ko. Naging daan iyon para mapapikit na lang ako't patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko.

   'God please, tulungan niyo po ako.' Pagdadasal ko sa isipan ko.

   Pagkatapos niyon ay ang kaagad na pagbukas ng aparador na pinagtataguan ko. Pilit kong tinanggap na ito na ang huling mangyayari sa buhay ko. Pumikit na lamang ako ng mariin at hinintay ang mangyayari.

   Subalit minuto na siguro ang lumipas, wala pa ring nangyayari. Wala pa ring humihila't nananakit sa akin. Kaya naman ay lakas loob kong iminulat ang mga mata ko. Nagtaka ako ng makitang tumatawa at parang bumalik sa dating katinuan ang pinsan ko.

   "Ginagawa mo riyan, Talie?" natatawa nitong sambit. Tinulungan pa ako nitong lumabas sa aparador na iyon.

   Nang makaayos na ako ng tayo'y iniligid ko ang paningin ko. Tumila na ang malakas na ulan kaya naman ay bumalik na ulit sa katinuan si Khaylie.

   "You are my sunshine
     My only sunshine
     You make my happy..."

   "When you will die!" pagalit na saad ko't kaagad na pinagsasaksak ang baliw kong pinsan na mahimbing ang pagkakatulog.

   Hindi ko alam kung bakit, pero hindi man lang ito nagmulat... na kung akala mo'y manhid at walang nararamdaman. Nang makuntento na ako't wala na itong buhay ay tsaka ako ngumiti't pinunasan ang pawis ko sa noo. Pinakatitigan ko ang estado nito habang hawak pa rin ang kutsilyong hawak din nito kaninang hinahanap ako.

   Ang kulay puting sapin ng matigas na kama'y napuno na ng kulay pula nitong likido. Nagkalat na rin ang mga putol na buhok nito sa sahig maging sa kama. Kapalit iyon ng muntikan na nitong pagkalbo sa akin noon. Kasali rin doon ang mga galamay ng daliri nitong ginamit nito para alipustahin ang iba't ibang parte ng katawan ko... lalo na ang pribadong gitna ko.

   Sinugatan ko rin ang mukha nito ng pa-krus kagaya ng ginawa nito sa akin, noong minsang nanlaban ako sa pang-aalipusta nito habang wala ito sa katinuan. May gilit na rin sa leeg nito na ngayon ay bumubulwak na ng sariwang dugo.

   Maya-maya pa'y naulinigan ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Minsan ko pang sinulyapan ang walang buhay kong pinsan bago ako tuluyang lumabas sa kabahayan. Tsaka hinayaan ko ang sarili kong tumingala sa kalangitan, pumikit at damhin ang tikatik ng ulan.

   "Rain, rain go away
    Come again another day
    Little Thalie want to die
    Rain, rain go away~"

   Matapos iyon ay kaagad kong sinaksak ang sarili ko sa mismong banda ng puso ko. Unti-unti kong naramdaman ang panghihina. Maya-maya pa'y tuluyan na akong humandusay sa daan.

   Walang tumulong, dahil ang bahay lang namin ang narito sa lugar na ito. Sa lugar na kung saan ay para kaming naging bilanggo... bilanggo ng aming mga isipan.

******

   "Sometimes life is full of surprises. So you must be ready. Because maybe the next surprise is the end of your life."

                                                   -Thalie

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now