BEHIND THOSE TWO ROSES

17 14 2
                                    

WCP10

   "Takte, kanina ka pa riyan ngumingiti! Sino bang tinitignan mo riyan!" Inis na tanong ng babaeng katabi ko. Dahilan para matawa ako at mas lalo pang ibaling ang atensyon ko sa iba. Tsaka ako mas lalong natawa nang pumunta ito sa harapan ko ng nakapamewang, at halata na sa mukha nito ang pagkairita't inis.

   "Mas lalo pang natawa." Panunuyang sambit nito't akmang aalis na sana  ito nang hilahin ko ito at iupo sa kandungan ko. Dahilan para makita ko ang pamumula ng pisngi nito. Na kaagad niyang ibinaling sa iba ang paningin para hindi ko mapansin.

   Cute.

   Dahil doon ay iniharap ko ang mukha nito sa akin at binigyan ng  halik ang pisngi nito.

   "Isang daldal mo pa riyan, sa labi na kita hahalikan." Sabi ko rito at tsaka ako ngumisi. Dahilan para paluin ako nito sa braso.

   "Paano kasi tumitingin ka sa iba, hindi mo na tuloy napapansin ang kagandahan ko." Nagtatampong sabi nito.

   "Tumitingin ako sa iba kasi may mata ako, Jhexie. Pero kahit tumingin ako sa iba, ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok nito." Sabay turo ko kung saan naroon ang puso ko. Dahilan para mas lalong pumula ang pisngi nito.

   "Ang cute mong kiligin, Jhex." Nakangiting sabi ko rito. Pero bigla na lang itong umalis sa pagkakaupo sa kandungan ko. Tsaka tumayo na naman sa harap ko nang nakasalikop ang dalawang kamay.

   "Hindi ako kinikilig, Ghyline!" Pagmamatigas na sabi nito. Pero mas lalong pumula ang pisngi nito nang tumayo ako at yakapin siya.

   "I love you, Jhex." Bulong ko sa tenga nito.

   "Mahal din kita, Ghyline." Turan nito na mas lalong nagpangiti sa akin.

   Nasa kalagitnaan kami ng yakapan, nang marinig ko ang sinabi ng isang lalaki na naging dahilan para mag-init ang ulo ko. Kaya humiwalay ako kaagad sa pagkakayakap sa babaeng mahal ko at pumunta sa lugar kung nasaan ang lalaking iyon.

   "Problema mo, Pare?!" Inis na sabi ko rito. Pero ang loko tinawanan lang ako. Kaya kaagad kong inilapit ang bibig ko sa kaniyang tenga na kaniya namang ikinagulat.

   "Don't you dare calling my girlfriend a crazy bitch. Dahil lang sa pumatol siya sa isang tulad ko. Palibhasa kasi walang nagmamahal sa'yo!" Inis na bulong ko rito, at napansin ko ang paghinga nito ng malalim. Tsaka ko kaagad na pinuntahan ang babaeng mahal ko at inakbayan ito palayo sa lugar na mapanghusga.

   "Hindi mo nalang sana pinatulan Ghyline." Rinig kong sabi ni Jhex.

   "Laitin na nila ako, pero huwag lang ikaw at huwag lang ang relasyon natin. Mali man sa paningin ng iba ang pagmamahal na nakikita nila sa ating dalawa. Wala akong pakialam, sapagkat dito ako masaya at ito ang gusto ko. Kaya susugal ako sa pag-ibig na ito. Wala akong pake kahit  marami ang humadlang." Mahabang sabi ko rito, dahilan para yakapin ako nito.

******

        "Kapag inggit, pikit."

                                               -Ghyline

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now