STRANGED MIRROR

13 14 2
                                    

WCP16

   "Iyah, ikaw muna bahala rito. Sasagutin ko lang itong tawag." Saad ko sa pinsan kong babae, kaya naman ang mga mugto nitong mata'y napatingin sa akin.

   "Doon mo na lang sa banyo sagutin. Mas tahimik." Suhestiyon nito't naguguluhan man ay tumango na lang ako.

   Habang naglalakad ako papunta sa banyo nila'y hindi ko maiwasang makaramdam ng panlulumo. Sa tuwing napapagtanto ko, kung bakit maraming tao rito ngayon. Mga taong halos nakasuot ng mga damit na tila ba'y nakikiramay. Ngayon kasi ang huling gabi ng lamay. Lamay ng nakakabatang kapatid ng pinsan kong si Iyah.

   Ang balitang nagpakamatay ito'y hindi talaga namin lubos na inaasahan. Kasi sa bibig na rin nito mismo nanggaling. Na kahit maraming problema ang dumating sa buhay nito. Hindi nito pipiliing kitilin ang sarili nitong buhay. Dahil labag iyon sa kalooban ng diyos. Hindi na nakakapagtakang gano'n ang mga sinasabi nito. Sapagkat isa ito sa mga iilang babaeng sakristan sa simbahan.

   "What took you so long, Rhelein?" Bungad sa akin ng kapatid kong lalaki. Pagkasagot ko pa lang ng tawag.

   "Bakit, matagal mo rin namang sinasagot mga tawag ko." Turan ko rito't iniligid ko ang paningin ko. Sa medyo malaking banyo nila Iyah. Habang nakahilig ako sa pader na mismong nakaharap sa marmol nilang lababo't may parihabang salamin doon. Ang kalahati'y natatakpan ng diyaryo.

   "Where are you? Bakit wala akong naririnig na ingay? Hindi ba nasa lamay ka?" Pang-uusisa nito, kaya naman ay napairap ako.

   "Narito ako sa banyo nila. Dito ako pinapunta ni Iyah. Mas tahimi..." Hindi ko natuloy ang sinasabi ko, nang bahagya akong matigilan. Nang unti-unting napupunit ang diyaryong nakadikit sa kalahating parte ng salamin.

   "Hello, Rheniel? Are you still there?" Saad ng kapatid ko't pinili kong balewalain iyon. Dahil natigil na rin iyon kalaunan.

   "Y-yeah," utal kong sambit. Nagsisimula ng kabahan. Matapos ulit maulinigan ang unti-unti na namang pagkakapunit ng diyaryong nakadikit.

   "I-I will call you back." Kabado kong saad at kaagad kong nabitawan ang phone ko. Nang pwersahan ng napunit ang halos kabuuan ng mga diyaryong nakadikit.

   Dahilan para nanginginig ko iyong pulutin. Tsaka bahagyang napatabingi ang ulo ko pakaliwa. Matapos muling makatayo't makitang hindi salamin ang natatakpan ng diyaryo. Dahil nakikita ko na roon ang bakanteng silid na katabi nitong banyo nila Iyah. Iyon ang rason para bahagyang maibsan ang kaba ko. Iniisip ng may tao roon kanina't tinatakot lang ako.

   Naudyok akong tignan ang kabuuan ng bakanteng silid. Kahit sa pamamagitan lang ng pagsilip. Kaya naman ay unti-unti akong humakbang palapit. Tsaka ako tumingin pakaliwa't pakanan. Matapos makadungaw sa natanggal na parte ng nakadikit na diyaryo kanina. Nang mapagtantong wala namang kung ano roon ay unti-unti ko ng iniatras ang ulo ko.

   Pero sumunod doon ay ang paghiyaw ko't mariin na pagkakapikit. Nang may pwersahang magbalik sa pagkakadungaw ng ulo ko. Ramdam ko ang kamay na nakahawak sa bandang leeg ko. Tumutusok doon ang mahahaba ata nitong kuko. Amoy ko rin ang medyo hindi kaaya-ayang amoy nito.

   "Open your eyes, Rhelein." Saad nito't sa halip na sundin iyon ay pinili kong huwag. Natatakot sa maaaring makita, dala ng nakakatindig-balahibo nitong tinig kaninang nagsalita.

   "Ahhhh!" Paghiyaw ko sa sakit. Nang pinilit nitong imulat ang mata ko't inilagay ang karayom ng patayo sa may bandang gitna. Upang matiyak nito na talagang mulat ang mga mata ko.

   "Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo, Rhelein?" Tila natutuwa nitong tanong. Matapos nitong dilaan ang isang putol na hinliliit, na may natuyong dugo na nakabalot. Hagip ko rin doon ang nakasulat na pangalang, Kheipy. Pangalan ng namatay.

   Iyon ang dahilan para naisin kong ipikit ang mga mata ko. Lalo na ng kagatan nito iyon. Na tila'y sanay na sa ginagawa. Kaya hindi na nandidiri. Rason para mapahiyaw ako sa sakit at ang tawa nito ang pumuno sa pandinig ko. Matapos maitusok ang karayom sa mata ko, nang magtagumpay akong pumikit. Pero hindi na ako muli pang makakamulat, panigurado.

   "Ohh, hindi mo na maimulat?" Inosenteng tanong nito't naramdaman ko ang haplos ng putol na daliri sa mukha ko. Malamang ay nakalapit na ito sa akin. Rason para matunog akong maiyak. Dahil sa pandidiri, takot, maging ng kaba.

   Tsaka ako napahiyaw, nang pwersahan nito akong hilahin papunta sa kinatatayuan nito. Kaya naman ay naramdaman kong may matulis na tumusok sa bandang tiyan ko. Nang hilahin ako nito, marahil ay ang kahoy na nakausli kaninang nakita ko.

   Kasunod niyon ay ang mas matunog na pag-iyak ko. Nang hayaan ako nito roon na nakapwesto. Kaya naman ay damang-dama ko ang sakit doon.

   "Don't worry, Rhelein. Kami ang bahala ng kapatid mo. Titiyakin naming matatanggal ang karayom sa mata mo. Matatanggal nga lang din ang mata mo, bilang kapalit." Tila natutuwa pa nitong saad, at sinundan pa iyon ng paghagikgik.

   "Bibigyan ka rin namin ng maayos na libing. Kapalit nga lang din ulit ng isang miyembro ng pamilya natin." Turan na naman nito't napahiyaw ako ulit. Nang may maramdaman akong magdiin sa akin, galing sa likuran. Kaya naman ay alam kong nasa bandang gitna na ako, nang nakausling kahoy na nakatusok sa akin. Iyon ang hudyat, para mabilisan akong madala ng pangyayari. Sa kinahantungan ng buhay ni Kheipy.

******A DEDICATED PIECE FOR LEIANNE

   "Trusting someone can be the dangerous decision in your life. So be careful."

                                             -Rhelein

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now