SWEET CANDY

13 14 1
                                    

WCP16

   "Hey! What did I tell you before, na kapag may kausap ka. Tumingin ka dapat sa eyes nila." Rinig kong saad ni Ghianie, pero nanatili pa rin akong nakayuko. Habang nakaupo kaharap nito sa isang bench dito sa garden ng paaralan namin.

   Alam kong ang 'di pagtingin sa mata ng kausap mo'y sumisimbolo ng kawalang respeto. Pero, wala akong magagawa...

   "Hellooo! Mhiasis? Narinig mo man lang ba ang sinabi ko?" Tanong nito, matapos kong marinig ang pag-ismid nito. Kaya naman alam kong naiirita na ito.

   "Hindi kasi pwede, Ghianie." Mahinang sagot ko, habang nakayuko pa rin at nakatingin sa mga daliri ko.

   "Duh, anong hindi pwede. Wala namang masama sa pagtingin mo sa mata ko." Kapagkuway litanya nito't kaagad kong ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Nang bigla nitong hawakan ang baba ko't iniangat. Para matupad ang kagustuhan nito.

   Dahil doon ay narinig ko ang singhal nito. Nang maulinigan kong tumayo na ito't umalis sa harap ko't nagsimulang maglakad, ay lakas loob kong iminulat ang mga mata ko. Pero kaagad ko rin iyong mariing naipikit at nailing. Nang makita kong ilang hakbang lang ang layo nito't deretsong nakatingin sa akin.

   Subalit kahit na ganoon pa man ay umasa akong hindi nagkatinginan ang mga mata namin. Pero nang tumawa ito't naglakad palapit muli sa'kin ay nagsimula na akong makaramdam ng kaba.

   "You really have a beautiful eyes, Mhiasis. It's like an edible sweet candy." Saad nito't mahihinuha ang saya sa tono ng pagkakasabi nito.

   Syempre, nakuha nito ang gusto.

   May sasabihin pa sana ito, pero naputol na iyon ng biglaan kong pagsigaw. Habang nakapikit pa rin ng mariin. Nang makarinig ako ng putok ng baril at naulinigan ang tunog ng pagbagsak ng taong palapit sa'kin kanina.

   Tsaka nagsimulang bumuhos ang mga luha ko. Nang matapos kong maimulat ang mga mata ko'y nakita ko ang walang buhay na katawan ni Ghianie. Nakabulagta ito sa damuhan dito sa garden na may bahid na ng dugo nito.

   May tama ng baril sa bandang lalamunan nito't nakamulat ang mga mata nitong deretsong nakatingin sa akin. Ang hintuturo nito na nakaturo sa bandang kaliwa'y may bahid ng dugo. Sa uniporme nito'y may nakasulat doon gamit ang sarili nitong dugo.

   "Eyes like a sweet candy is forbidden. The owner of it is dangerous." Basa ko roon at hindi ko na napigilan pang mapaluhod at mas mapahagulhol.

   Dahil ito ang pang-limang beses na nangyari ito.

   Sumunod na mga araw ay hindi na ako nagtaka pa, nang wala man lang kumalat na balita. Patungkol kay Ghianie. Palagi naman kasing ganoon.  Mali man pero nananatili akong tahimik. Pero kahit na ganoon ay may isa pa ring nakakaalam, sa hindi ko malamang dahilan.

   "Ghianie is dead. Sabi ko naman kasi sa'yo, huwag kang titingin sa mata ng iba. Sa akin lang..." Bulong sa'kin ni Phreimy mula sa likuran. Habang kasalukuyan ang klase namin. Alam kong siya iyon, dahil sa malambing nitong boses.

   Totoo iyon, siya lang ang nakakita sa mata ko, na hindi namatay. Kung tutuusin ay natatakot ako rito, dahil tila'y inaangkin nito ang isang bagay na hindi naman sa kaniya.

   "Rheill, need ko ba talagang tumingin sa salamin? Pwede bang iba na lang kasi ang gumanap sa role ko." Pagsusumamo ko sa leader namin sa role play na ito, syempre nakayuko pa rin ako.

   "Mhiasis, ikaw lang ang fit para sa role na ito. Dahil walang-wala ang ganda namin, kung ikukumpara sa'yo." Saad nito't napapikit ako ng mariin, nang maramdaman ko ang mga matang nakatuon sa'kin.

   "Action!" Pagbibigay hudyat ni Rheill, nang sa wakas ay napilit na ako nito.

   Kaya naman ay nagpakawala ako ng buntong hininga. Tsaka unti-unting iniangat ang salamin paharap sa mukha ko. Nang makita ko ang mga mata ko'y hindi ko napigilang humanga. Dahil ngayon ko lang ito nasilayan, kahit sarili kong mga mata ito.

   "Ahhhhh!" Kasabay ng sigaw ng mga narito't pagkakagulo'y ang pag-ugong ng isang kanta, na tila pa'y sumabay sa sigaw nila kanina. Samantalang ako naman ay napapikit na't nabitawan ang salaming hawak.

   "Ohh, we're sweet but a psycho...A little bit psycho~" Pagsabay sa kanta ng dalawang Phreimy, na nasa magkabilang gilid ko't may tig-isang baril na nakatutok sa magkabilang mata ko.

   Dalawang Phreimy, dahil kasama nito ang kakambal nito na talagang namang kamukha nito. Na matagal ng pinaghahanap. Dahil kahit naman kaagad kong ipinikit ang mga mata ko kanina'y napansin ko pa rin iyon.

   Kasabay ng susunod na liriko't ang pagbulagta ng lahat ng mga kasama namin, ay ang pagbulagta ko rin sa kinatatayuan ko. Dahil sa pagkalabit nilang dalawa sa gantilyo ng baril na hawak nila. Bago ako malagutan ng hininga'y doon ko napagtanto...

   That my eyes like an edible sweet candy, loves by two sweet psycho's.

******

   "There's nothing wrong on what we did. Nagmahal lang kami."

                                        - Two Phreimy

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now