WRONG INVITATION

13 13 1
                                    

WCP17

   "What did you write on your letter for Santa?" Tanong ko sa nakakabata kong kapatid. Matapos kong makalapit sa pwesto nito, kung saan ito naglalaro.

   "Why do you want to know? Ikaw ba si Santa?" Pabalang na sagot nito sa akin, at hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Rason iyon para mapabuntong hininga ako.

   Dahil simula noong dumating ako sa bahay na ito. Hindi na talaga maganda ang pakikitungo nito sa'kin. Hindi ko ito masisisi, dahil maski ako'y magiging ganiyan ang asta. Kung biglaan kong malaman na may kapatid ako dahil sa pagkakamali.

   "Don't you dare touch my hair!" Singhal nito sa'kin at kasabay niyon ay ang pagtapon nito ng laruang robot nito sa mismong mukha ko. Kaya naman ay hindi ko maiwasang mapaungot sa sakit. Dahil natamaan niyon ang mata ko, nang muli nitong ibato iyon sa pagmumukha ko.

    Nang tangka ulit nitong uulitin iyon ay hindi ko na napigilang pang sabunutan ito. Kahit alam kong narito sa mansyon ang Daddy namin at ang Mommy nito. Nang mapansin nitong mas lalo kong dinidiinan ang pagkakasabunot dito'y gumanti na rin ito ng sabunot. Kaya nga lang ay hirap itong diinan iyon, dahil umiiyak na ito.

   "I'll gonna kill you after this!" Umiiyak na banta nito, rason para mas diinan ko pa ang madiin ng pagkakasabunot ko rito. Marahil ay sa galit.

   "Oh, you'll gonna kill me? Sa tingin mo naman hahayaan pa kitang makawala, tangina mo." Gigil na sambit ko. Swerte ko na nga lang siguro na gabi na't tulog na rin siguro ang mga tao rito sa mansiyon. Kaya't walang dumadating para sumuway sa pinaggagawa namin.

   "I'm really right, you're not a freaking angel. You're devil in disguise!" Singhal nito't patuloy pa ring umiiyak, rason para makatanggap ito ng sampal sa'kin. Habang nakasabunot pa rin ang isang kamay ko sa magulo ng buhok nito.

   "Tangina mo, ngayon mo lang napansin!" Bulyaw ko rito't sasampalin ko pa sana ulit ito. Nang kapwa kaming makarinig ng tunog ng bell, na parang nagmumula sa itaas. Kasunod nito'y isang tinig, na tila'y nagpalakas sa Jhialma na ito. Kaya nakawala sa pagkakasabunot ko't naglakad patungo sa harap ng fireplace.

   Ho! Ho! Ho! Merry Christmas!

   Matapos kong marinig iyon ay kaagad na rin akong tumayo't tinulak ang nakatayong si Jhialma sa harap ng fireplace. Para palitan ito't hintayin ang pagbaba ni Santa. Nang tuluyan ko itong makita'y napaawang ang labi ko't hindi nakayanang kumurap ng ilang sandali.

   Dahil ang Santa na nasa harapan ko'y iba. Imbes na pinaghalong puti't pula ang kasuotang suot nito'y naging itim at pula. Ang mahabang balbas nito na dapat kulay krema'y pula ang kulay. Ang mata nitong dapat ay may suot na salamin ay napalitan ng dugo sa bawat gilid niyon. Ang dapat hawak nitong lalagyan ng regalo'y napalitan ng parang malaking tinidor at nangangalawang na. Nang makita ko ang nakasulat sa bandang ibaba niyon ay nagsimula na akong umatras.

   "Jhialma! Did you freaking write Saitana instead of Santa?" Gigil na sambit ko, pero muntik na akong masuka. Nang paglingon ko sa kinalalagyan nito kanina'y duguan na ito't nakatusok ito sa tinidor na hawak ng bagong dumating. Ang mata nito'y nanatiling dilat at tila'y nanatili ang talim niyon. Na parang hanggang sa pagkamatay nito'y may baon itong galit sa akin.

   "You! Why did you kill her?!" Nanggagalaiti kong tanong sa bagong dating, na ngayon ay palapit na sa akin.

   "It's her Christmas wish." Makapanindig balahibo nitong sagot.
Kaya naman ay napatingin ako sa walang buhay na Jhialma sa malaking tinidor na hawak nito.

   Dahil sa tindi ata ng pagkamuhi nito sa'kin ay hiniling ng mamatay.

   "Get out of here!" Bulyaw ko sa nakatayo sa harap ko, kahit pa mahihinuha roon ang takot.

   "I won't, because I have one last wish to grant. Before I leave." Saad nito't napaigik ako sa sakit, nang tusukin ako nito sa talagang bandang gitna ko. Gamit ang malaking tinidor na ginamit din nito kay Jhialma.

   "And that is to kill you. That's the wish of your own father." Dinig ko pang sambit nito, bago nito bitawan na lang ng basta ang bagay na kung saan naroon kami.

   "Ho! Ho! Ho! Helly Christmas!" Huling nadinig ko.

******

   "How about you? What's your wish, Honey?"

                                                    -Saitana

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now