I DON'T NEED A READER

16 14 3
                                    

WCP7

   "All I need is a reactor." Basa ko sa pamagat na sinulat nang paborito kong manunulat. Dahilan para magtaka ako. Hindi ko na sana iyon babasahin pa, pero dahil sa dakila akong tagahanga nito ay sinimulan ko na iyong basahin.

   Saktong pagtaas ko nito ay nakuha nang isang kataga ang aking atensyon dahilan para kabahan ako. "Curiosity can kill you." Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa nito.

   Minuto na ang nakalipas ay hindi ko pa rin iyon natatapos dahil bahagya itong mahaba. Napagpasiyahan kong kumuha muna ng makakain, dahil kanina pa ako gutom. Subalit, pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa, habang papunta ako sa aming kusina.

   Saktong paglapit ko sa aming kusina ay naaninag ko ang pigura ng isang babaeng nakatalikod sa akin. May pagkawirdo ang suot nito. Pero hindi ko nalang pinansin at ibinaling muli ang aking atensyon sa aking binabasa, na malapit nang matapos.

   Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Doon ko naalala na kaya ako bumaba ay para kumuha nang makakain. Buti nalang ay natapos ko na ang binabasa ko. Kaagad akong kumuha at pabalik na sana ako sa aking silid. Nang mapagtanto kong mag-isa lang pala ako sa bahay na ito.

   Kaagad akong bumaling sa babaeng nakita ko kanina, na ngayon ay nakaharap na sa akin habang nakangisi. Napalunok ako ng makita ang dugo sa damit nito at ang nakakatakot nitong mukha na katulad sa halimaw.

   Nagsimula akong umatras, nang bahagya itong humakbang palapit sa akin. Mas tumindi ang takot ko nang maramdamang wala na akong maaatrasan pa, dahil pader na ang nasasandalan ko. Mabibigat na ang paghinga ko nang itaas nito ang hawak nitong kutsilyo sa kanang kamay.

   "Si-sino ka?!" Garalgal na tanong ko rito. Pero sa halip na sagutin ako nito ay lumapit ito sa akin at sinakal ako. Gamit ang kaliwang kamay nito, nang may nanlilisik na mga mata.

   Doon ko nakita ang maliit na pangalang nakamarka sa kanyang kaliwang pisngi. Iyon ang pangalan ng paborito kong manunulat. Bahagya akong napaubo at habol ang aking hininga nang bitawan ako sa pagkakasakal nito.

   "Binalaan ko na kayo sa pamagat pa lang nito, pero hangal. Pinagpatuloy niyo pa ring basahin." Saad nito at halata sa boses nito ang galit.

   "I-Ikaw si gi-a-ya" hirap na sambit ko. Rason para makita ko ang butil ng luha na pumatak galing sa kanyang kaliwang mata.

   "Kasalanan ni'yo kung bakit naisakatuparan ang sumpa. Kaya dapat ni'yo lang pagbayaran." Kasabay nito ang pagtarak nang kutsilyong hawak niya sa parte na naroon ang aking puso.

   Nakaramdam ako nang pagsisisi, dahil kung hindi ko iyon binasa hindi siya tuluyang magiging ganito. Hindi rin nagtagal ay naramdam ko na ang unti-unti kong panghihina.

   "Pa-patawad" huling sambit ko, kasabay nang pagpatak nang luha ko at ang pagtigil nang aking hininga.

******

   "If you feel that doing such thing is wrong. Learn not to ignore it!"

                                                  -Giaya

PIECE CREATED BY PLAYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang